Hilot sa buntis

Hi ? Tanong ko lang kung maganda ba mag pahilot ang buntis ? Ano po bang magandang benefits makukuha dun ? Kung ako po kasi ang tatanungin ayoko po talaga mag pahilot ng tyan ko, dahil di naman daw po ito recommended ng mga doctor pero pinipilit ng nanay ko, kesyo iaangat daw kasi tyan ko pag 5 months na ko .. May history po ako ng Miscarriage, at dahil po Yun sa UTI ko ( with records, at complete po ako ng check up at ultrasounds ), pero sinisisi sa'kin ng mother ko dahil daw kasi hindi ako nag pahilot noon kaya mababa daw matres ko . Nag away na po kami dahil dito noon, Please advice po .#advicepls

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi safe ang magpahilot, pwede madeformed ang baby or pwede ka magkaroon ng miscarriage. i have a 6month old baby ngayon, mababa din matress ko nung nagbuntis ako pero hindi ako nagpahilot, binigyan lang ako ng gamot ng OB ko na Nifedipine simula 5months ako hanggang nanganak ako gawa ng open cervix 1cm na ako. nagkaroon din ako ng miscarriage sa 1st ko. pag may naramdaman kang masakit like sa puson mo ganun punta ka agad sa OB mo. better be safe kahit magastos. iwas ka sa stress.

Magbasa pa