Tama po ba ang sustento na binibigay ng ama ng aking anak

Tama po ba na ang binibigay ng tatay ng aking anak na sustento isang balot ng 2kilo na gatas at isang balot ng pampers sa isang buwan????#advicepls

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hi mommy. wag sana magalit sa comment ko. sana po lawakan ang pang-unawa bago niyo po ituloy basahin dahil ito'y opinyon ko lang naman po. Wala po talagang eksaktong batayan ang sapat/kulang in terms sa sustento. Ang sustento kasi kahit pigain mo yung tatay kung ayaw magbigay, wala din talaga mangyayari. Tayo na lang talagang nanay ang mag-aadjust. kahit pa sabihing sila ang biological na tatay at responsibilidad nila sustentuhan ang bata, madami pa din po kasing factors sa paligid. 1. Capability. May work ba siya, ano pinagkakakitaan niya, may bago na ba siyang pamilya. Hiwalay na kayo at with that, kanya-kanya na talaga kayo. kahit may anak na kayo, mas priority na niya yung bago niyang pamilya kesa sa inyo. 2. Attitude. Anong klaseng tao si tatay. Kung siya ba yung happy go lucky, thoughtful sa anak niyo, yung mga ganun. Kung medyo malayo ang loob ng anak niyo sa kanya or siya sa anak niyo, maliit talaga ang chance na unahin niya ang pagsustento sa anak niyo. 3. Mind Conditioning. How we treat our ex partners. Kung may anak kayo, kahit galit kayo sa isat-isa, wag idadamay ang anak. Wag ibi-brainwash ang anak by saying stuffs na yung tatay/nanay mo ganito ganyan, etc. Your goal should be, kahit hiwalay na kayo, teach your child to respect their mom/dad kahit hindi na nila nakakasama everyday. Teaching children to get angry to the other parent ignites their inner rebel. 4. Agreement. Magkaron kayo ng kasunduan na nakalagay dun kung ano/magkano ang kaya niya ibigay sa anak niyo. Iba ang "Ano" sa "Magkano" mamsh ha. Sa co-parenting kasi, di lang pera ang need minsan ng anak niyo. madalas mas kailangan nila ng communication and moral support from both of you as the child's parents.

Magbasa pa