Masama ba na ipag-quarantine ko asawa ko, after bumisita sa In-Laws ko?

Taga Makati kami, tapos ang in-laws antipolo. Pupunta sila dun nga mga kapatid nya sa nanay at tatay nya. Ayaw ko payagan dahil nag labas ng Memorandum na iwasan ang pakikipag gathering pag hindi mo kasama sa isang bahay. Ngayon sinusumbatan nya ako na pag inuutusan ko sya bumili, pero pag bibisitahin daw nanay nya, ayaw ko daw pumayag. Pahelp naman po, buntis kasi ako at 2 beses na ako namatayan ng baby (Premature at Miscarriage) ayaw ko lang naman maulit na mawalan ng baby.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

uhmmm... last week po namatay yung tatay ng byenan ko babae.. unang araw hinayaan ko lang sya pumunta.. sa pangalawa araw hindi ko sya pinapunta kasi malilate sila ng uwi.. pinapili ko sya kung aalis sya uuwi ako sa amin.. kung hindi sya aalis.. thankyou nalang.. hindi sya umalis nun.. kaya lang naman hindi ko sya pinaalis kasi wala ako kasama sa bahay at wala ako mahingan ng tulong pag nagka emergncy.. 35wks preggy na ako.. tapos nung last day na.. i crimate na yung lolo nya hinayaan ko sya umalis.. maaga sila umalis nun.. pag uwi nya dito nag palit sya agad ng damit at alcohol na din sa buo katawan nya.. bawal din kasi ako ma stress.. open cervix ako simula 1st month..

Magbasa pa

To be honest with you, I feel you. I know where you are coming from and as much as possible, kame din we stay within our bubble. When we had the surge back in March, it was because of gatherings. Kahit pa family, hindi mo masasabi kung sino sino ang nakakasama ng bawat isa. Siguro compromise na lang. maybe Pwede sya magpunta Tapos just keep his mask on. Follow pa din physical distancing. Pag kakain maybe layo layo. No hugs muna. Tapos paguwi maligo na lang agad. We should take extra precautions kasi we are vulnerable. And if something happens to our babies, the moms will always feel that guilt.

Magbasa pa

ok Lang Naman po na mag visit sya sa family nya ung husband ko SA manila nag wowork ung bahay namin naic cavite pa minsan nauwi sya sa kanila SA Pateros ang work Naman nya e my MGA travel related din twice na Syang nag flight dis month kaya automatic pag uwi nya Hindi ko sya sinasalubong tapos sya deretcho Ligo since buntis Ako at high risk Kaya alam na nya gagawin, my point Naman po ung asawa mo actually once na lumabas na Tayo Ng bahay malayo or malapit Yan expose na tayo.

Magbasa pa

Dapat maging understanding naman ang mister mo. Ang hirap na kasi sa panahon ngayon. Kailangan lang natin mas mag ingat. Buti na lang ang Hubby ko very protective saken...gusto bumisita samen ng Tatay nya pero ayaw nya pumayag kasi ng delikado. Mabilis pa naman mahawa ang buntis ng mga viruses ngayon. Magtampo na kung sa magtampo pero may maganda na hindi muna magsama-sama basta safe ang lahat. πŸ˜ŠπŸ™

Magbasa pa

ligo nalang po agad pag uwi and diretso labhan ang mga ginamit na damit. tsaka mag doble ingat nalang din sya kapag nandon na sya. sya na magkusa na magkeep ng distance dun sa gathering para naman compromise kayo. and kung maaari, dun lang sya sa labas ng bahay like kung may garahe or open space. as much as possible wag sa kulob and naka aircon magtambay

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang naman sis na wag na sya magquarantine if dun lang naman sya sa kanila nagpunta. Ligo lang sya agad at palit ng damit bago lumapit sayo. Sanitize mo din lahat nga gamit na dala nya dun.

For me sis, okay lang naman po pumunta sa parents nya. Basta pag dating nya sainyo, deretso ligo agad para tanggal ang dumi sa katawan.

VIP Member

mas maganda mag prevent sis, mhirap magsisi ulit basta alam mo nakakabuti para kay baby go lang