Survey lang po sino nakatry dito 31 weeks na naka cordcoil si baby? Possible po ba na matanggal sa leeg nya yung cord bago pa ako manganak?
Thank you sa mga mag rereply😊😊😊
Kung may kaso man na matatanggal ung cord sa leeg niya eh un ung maliit pa siguro si baby. Kaso kapag malaki na or malapit na manganak tinitignan na lang eh ung luwag at haba ng cord na nasa leeg niya. Monitoring din ng heartbeat ni baby.
Kaya mo yan, may case nga kami dalawang beses pa nakaikot ung cord ni baby sa leeg niya via normal delivery. Okay naman sila magina. Basta pray and monitor mo lagi. God bless. 💕
Registered Nurse and Mom of 2 kiddos!