Down's syndome

super stress ako nung ipinagbuntis ko pangalawang baby ko. kaya ata paglabas down's syndrome. lalo akong nastress.. ang hirap tanggapin. kung hindi sana ako nagbuntis ulit at nakontento nalang ako sa isang anak hindi sana ako magkakaron ng anak na ganito. then eventually humihingi din ako ng tawad kay Lord at nagsosorry dito sa baby ko sa mga hindi magandang iniisip ko. pero pag tinititigan ko anak ko, diko mapigilan tlga magselfpity. bakit ako ngkaron ng ganitong anak at bakit tong anak ko ang naging ganito. napakasama ko bang ina bakit diko matanggap ng buo anak ko? pinagppray ko na naway dumating yung time na matanggap ko ng buo tong baby ko.

54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis mas mapalad ka nga po sakin.. 38 yrs old ako ng bigyan ako ni God ng pagkakataon maging ina, pero yung unang pagkakataon na yon naging napakahirap at mabigat agad. Pinanganak ko ng may Leukemia ang baby ko, ang sakit sakit makita na palagi syang tinutusok ng karayom para sa laboratory test at chemotherapy nya. tapos makikita mo pa yung mga side effects sa katawan nya. Pero nagpakatatag ako sa kabila ng lahat, pang apat na buwan nya di na siguro nya kinaya lahat ng sakit kaya iniwan na nya ako. πŸ˜ͺπŸ˜ͺπŸ˜ͺ kung may Down syndrome man ang baby mo pero healthy sya at makakasama mo sya hanggang sa paglaki nya, mas mapalad ka pa sakin sis. Mahalin mo ang anak mo kase napakasakit na mawalan ng anak. πŸ˜ͺπŸ˜ͺπŸ˜ͺ

Magbasa pa