Down's syndome

super stress ako nung ipinagbuntis ko pangalawang baby ko. kaya ata paglabas down's syndrome. lalo akong nastress.. ang hirap tanggapin. kung hindi sana ako nagbuntis ulit at nakontento nalang ako sa isang anak hindi sana ako magkakaron ng anak na ganito. then eventually humihingi din ako ng tawad kay Lord at nagsosorry dito sa baby ko sa mga hindi magandang iniisip ko. pero pag tinititigan ko anak ko, diko mapigilan tlga magselfpity. bakit ako ngkaron ng ganitong anak at bakit tong anak ko ang naging ganito. napakasama ko bang ina bakit diko matanggap ng buo anak ko? pinagppray ko na naway dumating yung time na matanggap ko ng buo tong baby ko.

54 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pray lang kaya mo yan isipin mo ung anak mo. Pero ang alam ko nasa genes yata ang pagkkaroon ng down syndrome(parang genetic disorder) or sa mga gamot na di dpat inumin/chemicals na ginagamit/alcohol basta ganun ang alam ko. Kasi dati naman kahit hindi magvitamins ang mga buntis nagiging okay naman baby nila. Pero siguro ibinigay sya na blessings sayo yung iba kasi hindi magkaanak kahit anong pilit at gawin nila 😣kaya maswerte ka parin. Malay mo yan ang magdala ng swerte sa buhay mo ☺ pray lang parati.

Magbasa pa