βœ•

54 Replies

Ang cousin ko may DS. Nung una hirap ang tita ko tanggapin. And naniniwala kaming lahat ng its a special gift from God. Maswerte ang mga special children. Hindi siya ibibigay ni God sayo kung alam nyang hindi mo kaya. Sabi ng doctor dati saglit lang itatagal ng buhay ng pinsan ko pero thankful kami kasi 33 na siya and counting in God's grace. napaka sweet at sobrang lambing. Basta always remember ang development nila until 7 yrs old. So better maturuan ng mabuti. May DSWD na nagtuturo sa mga special child kasi ganon naging work ng ate ko nuon. By the way sa sobrang pagmamahal din nila sa sa cousin ko napakaalwan at swerte ng business nila. Pero higit sa lahat pinagdadasal naming lahat na humaba pa ang buhay ng cousin ko. And please treat them as a normal person. Kasi nakakaramdam din sila na kakaiba sila. At ayaw naming iparamdam yun sa pinsan ko

I feel you ganyan din na feel ko nung lumabas ang baby ko At ang masakit first baby namin ng husband ko.. daming problem Sa baby ko Meron butas Sa heart nya tapos Meron syang luslos At keylangan ng surgery kase yung pututoy ng baby ko naka dikit Sa egg nya pag labas nya daming gastos nya Meron cardio Doctor,pedia doctor,surgeon doctor.continue ang gamutan hanggang pag laki nya Nag take sya ng gamot para Sa puso ng normal ang pag hinga nya. Una Hindi ko sya matanggap kase Sa lahat ng pinsan nya sya Lang ang Ganito.nag ask din ako kay Lord kung Bakit minsan Lang ako humiling ng baby tapos Meron pang sakit yung binigay nya pero dumating yung time na natanggap ko At pray parin na maging Okay ang baby koπŸ™πŸ».pray Lang sis Meron reason Kung Bakit binigyan tayo Ni Lord ng blessing ng Meron question Sa mind Natin.

habang nagbubuntis ako,eto din inalala ko,that time kasi talagang sobra sobra ang stress ko sa family,sa work at sa environment ko. tas di ko pa naalagaan ng buo ang sarili ko nun until 7mos. kasi tinatago ko pa talaga,no check ups,vitamins, di ko man lang nakakausap sa tyan...pero thankful ako ngaun ok naman ang baby ko. Mommy be strong , isipin mo nalang kung hindi mo matatanggap sya ,sino nalang tatangap sakanya dba? besides dugot laman mo parin sya, little angel pdin and blessing. Tsaka may mga taong may down syndrome pero ang lulupit nila ,may mga nababasa akomgkwento na talagang nakakagawa ng pangalan sa bansa,malay ml diba ang baby mo someday ganun din pala oh, Be thankful mommy,matatanggap mo din yan. i wish someday mwala na lahat ang negative thoughts β™₯β™₯β™₯

mummy pareho po tayo stress din ako sa ama ng baby ko at sa family ko din 4 months ko nasabi na buntis ako chaka palang ako nakapag pa check up at prenatal iyak nga din ako ng iyak sobrang stress talaga palagi ko nalang pinag ppray na sana wala lang complications si baby kasi hindi ko talaga mapapatawad sarili ko pag mag complication sya it's my fault I was not careful enough sana ok lang si baby at healthy lang din sya.

Mommy isipin mo nalang mapalad ka pa din sa naging anak mo. Mas masakit ang pinagdaanan ko sa unang baby ko halos gumuho mundo ko pero nagpakatatag ako alang alang din sa hubby ko. Pinanganak ko sya ng may Leukemia at walang pag asa na mabuhay ang laging sinasabi sakin ngmga doctor na nakakausap ko. Ang sakit sakit non mommy pero nilalabanan ko lahat ng pain, lalo na tuwing tinutusok sya ng karayom para salinan ng dugo na di ko na mabilang ilan beses at para sa mga blood test nya din. Durog na durog ang puso ko pero nakakapit pa din ako kay God kahit kailan di ko naisip bumitiw sa kanya. Hanggang sa huling sandali ng buhay ng anak ko nanalangin pa din ako. Mahalin mo ang anak mo mommy mapalad ka nandyan sya makakasama mo.

Sis mas mapalad ka nga po sakin.. 38 yrs old ako ng bigyan ako ni God ng pagkakataon maging ina, pero yung unang pagkakataon na yon naging napakahirap at mabigat agad. Pinanganak ko ng may Leukemia ang baby ko, ang sakit sakit makita na palagi syang tinutusok ng karayom para sa laboratory test at chemotherapy nya. tapos makikita mo pa yung mga side effects sa katawan nya. Pero nagpakatatag ako sa kabila ng lahat, pang apat na buwan nya di na siguro nya kinaya lahat ng sakit kaya iniwan na nya ako. πŸ˜ͺπŸ˜ͺπŸ˜ͺ kung may Down syndrome man ang baby mo pero healthy sya at makakasama mo sya hanggang sa paglaki nya, mas mapalad ka pa sakin sis. Mahalin mo ang anak mo kase napakasakit na mawalan ng anak. πŸ˜ͺπŸ˜ͺπŸ˜ͺ

hndi nyo po kailangan sisihin ang sarili nyo. actually walang dapat sisihin.hndi di. dahil sa stresa yan...may mga genes na nag mumutate...like sa cancer..bigla nlng may cancer kahit super ingat at healthy kase bigla nag mutate yung genes or Cells whatever they call it. swerte nga daw po ang may special child sa family. madame nako kakilala super swerte. lalo pag may business. look at the brighter side nlng po kesa araw araw Mo sisihin sarili mo na hndi mo naman kasalanan...may purpose parin po sya dito sa mundo at yun at mahalin kayo ng family nyo ng buong puso at magbigay ng saya sa family nyo. Godbless po kay baby and sa family nyo.

TapFluencer

hello momshie..my kapatid po ako ds pinanganak cya 40yrs na ung mama ko..malaking blessing po cya samin..believe it or not cya ang swerte nmin..mahal na mahal nmin cya at inaalagaan..sa ngaun pumapasok po cya sa school ng mga special needs..or SPED. mga foreigners ang humahawak sa knila.almost 5yrs na cya sa school at maganda ang development nya..ngaun 18yrs old na at kaya na nya paliguan at bihisan sarili nya mas behave na rin cya..wag po kayo mawalan ng pag asa..need nila constant love and care..sya ang swerte nyo sa buhay

VIP Member

Hi momsh! Take it easy, one day at a time... Just keep praying na bigyan ka ng Diyos ng lakas at ng kaunawaan na higit sa karaniwan, kasi hindi naman talaga madali ang pinagdadaanan mu. Hindi mu naman ginusto yan, hindi mu din kasalanan. Pero nararamdaman na ng baby mu na iba ang pagtingin mu sa kanya. Acceptance is the key but it doesn't come easy. If I may suggest join a group of parents ng mga may DS. Duon maririnig mu din ang mga kwento nila, paano nila pinagtatagumpayan ang bawat araw at paano pinaghahandaan ang bukas...

VIP Member

Kaya ka may baby na may DS is because God knows how big is your heart to love someone imperfect, perfectly. Alam ni Lord na kaya mo. All children, whether may sakit o normal, are all blessings and all are children of God. We all are. Tandaan mo na ikaw, hindi mo ginusto yan para sa anak mo, at isipin mo lagi na mas lalong hindi nya yan ginusto para sa sarili nya. I believe that still, you are beyond blessed. Maswerte ka at mayroon kang anghel. Palagi mo lang ipagdasal na maging mabuti ang mundo para sa anak mo.

pray lang kaya mo yan isipin mo ung anak mo. Pero ang alam ko nasa genes yata ang pagkkaroon ng down syndrome(parang genetic disorder) or sa mga gamot na di dpat inumin/chemicals na ginagamit/alcohol basta ganun ang alam ko. Kasi dati naman kahit hindi magvitamins ang mga buntis nagiging okay naman baby nila. Pero siguro ibinigay sya na blessings sayo yung iba kasi hindi magkaanak kahit anong pilit at gawin nila 😣kaya maswerte ka parin. Malay mo yan ang magdala ng swerte sa buhay mo ☺ pray lang parati.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles