pa-rant lang mga mommies :(

Super sama ng loob ko lately. Alam ko masama itong nararamdaman ko para kay baby pero dko tlga mapigil. Si hubby kc nakakasama ng loob. Hindi sya nagsabi sakin na may plano silang mg rides magbabarkada itong weekend. Nalaman ko lng kc ewan ko naisipan ko check msgr nya at don ko nga nabasa ang mga plano nila. At mga buyo buyo at tukso tukso sa mga d sasama. Ang mas nakakasama lalo ng loob nung tnanong ko sya, my gala ka pla sa weekend maiwan ako? Oo daw kc nga bka mapano ako. Tanong ko ult sya, anong balik mo sa anniversary ntin sa 19? Sagot nya straight duty sya non gbi na sya makakauwi so technically alang plano. Ang sakit at ang bigat sa kalooban. 9th year anniversary namin sa 19 pero disregarded lang sa kanya sabi nya pa ala namang pera. Sbi ko ano ba naman ung kumain sa labas, mas mahal pa nga panggas mo sa rides kesa kumain sa silog. OA ba ko na masama loob ko? Maarte ba ko na naghihinanakit ako? Aba ang dating sakin mas mahalaga na barkada kesa sa asawa. Magrereact naman ba kasi ako ng ganito kung tama ang pinapakita nya sakin db. ๐Ÿ˜ค๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Last pregnancy ko, birthday ng kaibigan ng asawa ko medyo masama pakiramdam ko non pero umalis asawa ko at hinayaan ko naman siya kasi kasama ko naman mama ko, kaso the next day kauwi niya dinugo ako at pumunta hospital full cm na daw ako at 5months pa lang ako, todo iyak ko non pati siya di namin expect yun kasi kakaultrasound ko lang day before at ok ang lahat. Kaya ngayon sa second pregnancy ko, di na siya umaalis ng matagal at kung nasan siya lagi niya ako kasama todo bantay siya sa akin. At sinabi ko din sa kanya kasi mabarkada din siya na kami dapat ng anak niya, ng pamilya niya ang mauna bago barkada.

Magbasa pa

update po mga mommies! hindi nga kmi lumabas ni hubby last anniv nmin noong 19 dhil o.t duty sya 6am to 6pm kya pinagluto ko nlng sya ng ulam at sa bhay kmi nagdinner. bumawi naman sya next day. naggroceries kmi (at namention nya dpt bumili n kmi mga gamt nmin ni baby, kilig ako don, pero shempre dko pinush masyado p maaga 15weeks along plng ako) hndi narin sya sumama sa long ride nila ngayong araw. at goods naman kmi. nrealize nya rin cgro ung point ko. at narealize ko rin naman though sumasama loob nya sken hindi nya p rin ako natitiis ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

May kakilala ako na kinakantiyawan ng mga barkada kasi simula nagbuntis lalo na nung nanganak asawa niya hindi na siya masyado suma sama sa mga barkada niya sa inuman at rides kasi kailangan daw niya tulungan asawa niya at bantayan anak niya. Nagbago na daw siya, sabi ko hindi siya nagbago alam niya lang priority niya at kung ano ang mas mahalaga lalo na mabilis lang lumaki mga babies, kung kaibigan nyo siya dapat intindihin nyo siya, mas maganda gayahin nyo na din. Hindi kabawasan sa pagkalalaki yun.

Magbasa pa

For me, valid yung nararamdaman mo. I mean, sino ba naman ang hindi sasama ang loob if mas pipiliin pa ni hubby na makasama ibang tao especially sa araw ng Anniversary niyo pa talaga. Kahit sabihin pa na wala naman budget, it doesnโ€™t necessarily mean na hindi na pwede magcelebrate. There are other ways to do so. Even his presence is quite enough..

Magbasa pa

Hindi po :) have an open communication po sa asawa nyo :) Verbalize to him po na hindi okay yung ginawa nya

1y ago

Buntis po kayo.. You should come first po bago barkada, at sa anniversary naman po kami ng asawa ko kumakain lang sa bahay.. Nagdedate kami sa bahay. Magluluto ng putahe na medyo espesyal pero minsan fried chicken lang tapos buko shake tska namin inaayos lamesa at sabay kaming kakain at pahinga after non siesta kami.. Pero ang saya ko na non, basta kasama ko siya nagiging espesyal lahat..