Hello mga mommies, suggestions po sana pano mapapa bottlefeed si LO. Mahina na kasi milk ko 😢

Suggestions

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Turuan mo muna uminom sa bote, mi. Use bottles na malapit sa shape ng breast natin para di masyado manibago. Avent Natural yung gamit ko. Yung na-pump mo na breastmilk muna ilagay mo para di agad sya manibago sa lasa. Then pag sanay na sya magbote, saka ka mag-introduce ng formula. 1 oz lang muna timplahin mo pam-practice para less sayang. Alam ko good for 1-2hrs lang kase ang formula after mo maibigay kay baby. Tyagain mo lang gang masanay na rin sya sa lasa. Then saka ka nalang magdagdag ng dosage pag sanay na. Wag ka abrupt tumigil magpasuso. Bigyan mo pa rin ng breastmilk from time to time. Lastly, don’t feel bad about yourself for not producing enough milk. Di mo yun kasalanan. Ang importante ginagawan mo ng paraan pra maibigay kay baby ang nutrisyon na kailangan nya. Mabuting nanay ka parin kahit ganun. ✨❤️

Magbasa pa
VIP Member

umpisahan mo lang po pagpapa bottlefeed sakanya, mommy.