Sugat sa leeg?

Sugat po ba yung nasa leeg ng baby ko? Kakakita ko lang po kasi. Sabi ng asawa ko mawawala din daw yan. #ftm

Sugat sa leeg?
21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din po sa baby ko halos hanggang 4 months ganyan, naawa ako sa baby ko. Nilalagyan ko po ng drapolene cream. Pero nung 5 months sya pinolbohan ko na. Never na nagsugat ang leeg nya non. Dapat lang po kase tuyjo lagi leeg. Since di pa masyado natitingala ng baby ang leeg nila kaya madalas magpawis.

Magbasa pa

yong baby ko mas malala p dyan akala ko di na mwawala.... sa gatas kasi nakaka iritate n balat may bunigay samin yong pedia ng baby ko cetaphil derma.... pero minsan pag sobrang pula calmoseptine .... pero ngayon wala n langis nalang nilalagay ko after nya magbihis .. mga twice a day..... effective naman

Magbasa pa

Pag lungad po lungad si baby baka dahil po dun nag kaganyan po baby ko noon sabi pedia punas maige po pag naglungad si baby yung daw po kasi nagiging cause lalo hindi pa po nahahanginan ang leeg

pahidan mo agad mommy ng tiny remedies in a rash para mabilis gumaling at matuyo ganyan gamit ni baby ko, effective yan at safe kasi all natural kaya pwedeng pwede sa newborn. #provenandtested

Post reply image

Always make sure na pinupunasan leeg ni baby para hindi mababad sa basa. Pag magdede si baby, mas mainam na lagyan ng sapin sa leeg para hindi matuluan ng gatas at punasan after magdede.

Para po siyang halas. Dahil po folded Ang skin niya Hindi po siya nadadry Ng maayos. See to it po na pagkapaligo eh natutuyo po Ng maayos at lagi pong idadry kapag pinagpapawisan c baby

VIP Member

patagilid nyo po minsan matulog si baby para mahanginan leeg nya. araw araw ang ligo tsaka sa hapon punas punasan din yung mga singit singit katulad ng leeg kilikili ganyan.

5y ago

Sige sis. Salamat ❤️

bka po nababasa ng milk.or pagkaligo hndi napupunusan ng maigi..pa check mo po sa pedia k g worry ka sis.mahirap magbigay nang ippahid kay baby.

5y ago

Mukhang ganun nga po, nababasa kaya nagkaganyan. Patuyo na din naman po. Salamat ❤️

Ganyan din po sa lo ko, pero ngayon ok na. Pagnatutuluan yata ng gatas and napapawisan si baby kaya dapat laging macheck. 😊

5y ago

Mukhng ganun nga po. ☹️ Salamat ❤️

VIP Member

Tupi po yan sa skin pero hindi natutuyuan ng pawis. Patakan nyo po ng milk nyo bago matuluyan at maging rashes.