27 Replies
FTM din po ako. Pero exclusive breastfeeding ako sa baby ko. Kasi gusto ko talaga breastmilk lang iinumin nya dahil na din sa mga benefits na makukuha nya sa breast milk na wala sa formula milk. Yung first 2 weeks ko po nagpapadede talaga namang pahirapan, minsan dumadating sa point na naiiyak na ako sa sobrang sakit. Idagdag mo pang iiyak si LO kasi parang hindi sya nabubusog sa gatas ko. So dagdag stress pa sakin kasi feeling ko not enough yung gatas ko para sa baby ko. Madalas pa kapag dedede na sya kinakabahan ako sa isip ko "ito na naman, masasaktan na naman ako". Yung mga nipples ko kasi puro sugat na. Pero hindi ako tumigil magpadede, kahit masakit na sige lang. Unli latch pa din kahit sa isip ko parang dudugo na ang nipples ko sa sugat. Lagi din ako umiinom ng pinaglagaan ng malunggay para makatulong sa pagdami ng gatas ko. Ngayon after 2 months marami na akong milk. Hindi na din masakit kapag nadede sakin si baby. One month na lang babalik na ako sa work, pero wala akong plano tumigil magpadede sa LO ko. Tuloy mo lang yan sis. Ikaw mismo makakadiskubre sa sarili mo kung gano ka powerfull ang breast milk natin para sa baby mo. Search ka din po ng proper way of latching, pwede mo search sa Google or panoorin sa Youtube. Sa una talaga mahirap sis. Isipin mo na lang lahat ng mommies na gustong magpabreastfeed dumaan sa ganyan pero promise worth it lahat ng sakit at hirap mo.
ako nag dugo pa at halos lagnatin ako sa sobrang sakit . pero tiniis ko . nag formula si baby 3x aday the rest breastfeed na . halos umikot pwet ko pag nag llatch sken si baby sa sobrang sket . pero awa ng dyos after 2days okay na yung nipples ko . hndi na masyadong masakit hanggang sa hndi na tlga masakit pag na dede sya .. Totoo yung cnasabe nila na c baby lng den mkaka pag pagaling ng nipples nten 😊 kaya mu yan mamsh tiis lng po .
1st 2 weeks sobra sakit to the point nagsugat ang nipple ko as in may dugo na nasipsip ni baby. Ginagawa ko salitan sila ng dalawa dede ko pag sugat na isa ipahinga yong isa muna ipapalatch ko tapos yong sugat syempre mkakaipon yan ng milk pump ko muna tapos pag ok na sugat nya ipalatch ko ulit. Ngayon 24 days na si baby di na masakit nasanay na din breast ko at madami na ako milk.
Ganyan na ganyan rin ako, nagsugat, at nakakaiyak talaga ang sakit, pero determinado talaga ako magpabreastfeed since nagbubuntis pa lang ako. Mixed feeding si baby since day 1 nya, kasi pressured ako sa nakapaligid sakin eh, he is 3 weeks old na. Ngayon paunti-unti ko ng natatanggal ang formula milk, hindi na masakit paglatch ni baby. Tiis lang.
Ganun din po ako dati kaya napilitan ako mag mix nalang ng formula tas pinagaling ko muna yung nipples ko po, labag man sa loob ko na itigil magpadede pero kasi feeling ko lalagnatin na ako sa sakit :( pero now po okay okay naman na yung nipples ko pagnagpadede
Mommy ang sakit po talaga tapos pag una talagang nagsusugat, ako dati umabot ako yung buong breast ko dati namumula pa nga subrang sakit pero tiniis ko pa rin mawawala rin po yan mommy tiis lang po para kay baby kaya mo yan para sa anak mo.
Momsh, try mo yung MQT Nipple Care. Nakakatulong siya for sore nipples at nakakaunclog ng pores sa nipple. If may stock na milk sa breasts mo, paglagay mo, konting massage, tatagas yung milk ng kusa.
Normal lang po ang gnong pangyayari dahil gnyan din ako non, sa first baby ko, parang ayw ko na kasi sobrang sakit pkiramdam ko mapu2tol na yung nipples ko, habang tumatagal nawa2la naman ang skit
Ako din mommy naka mix kay baby. Sobrang sakit din ng mipple sa simula. Pero habang tumatagal masasanay din pag nakikita mo na nagugutom pa si baby at hinahanap ang nipple natin.
Sabi ng ninang ko very sensitive pa kasi then yung nipples ko kaya masakit. Pero nung tumagal siguro nasanay okaay naman na. As long as tama din yung pagkakalatch nya.