Preggy 3months

Subrang stress po at Hindi makatulog ng maayos.dahil nadin sa lagi po ako nasusuka naduduwal.ano po maganda gawin? Subra po ako nahihirapan kahit ano kainin KO sinusuka KO, kahit tubig sinusuka KO😢please help.

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyang ako miii sa lahat ng anak ko dito sa pinagbubuntis ko ngayon ako sobrang selan kaya 10weeks plang ako nakapag pacheck up na ko agad , nde din ako makakain ng maayos kahit tulog ako kpag may naggigisa babangon ako para sumuka kaya netong nag 17weeks plang ako nakapag start inom ng mga vitamins kase sabe ng ob ko kung bibigyan nya ako dati baka isuka ko lang .. Pero sabe ng ob ko kahit nagsusuka kumain paren kahit fruits lalo ung juicy kase mas madali maabsorb ng chan naten kpag ganun try mo Mii magblender ka kahit apple o banana ngayon nkakakain na ko pero ayaw ng chan ko ung busog konting kain lng kaya ko tas kpag nabusog ako isusuka ko paren tiis lang kelangan natin makakain e 79kgs ako nung 10weeks ako ngayong 19weeks na ko 68kgs nlang ako regular check up lng Kay ob 😊last time nagpnta ako nde pa rinig heartbeat ni baby ewan ko nlang pagbalik ko ng July

Magbasa pa

Consult your OB para maresetahan ka nya ng vitamins or ano yung much better na gagawin mo para mabawasan ang pagsusuka mo. Also to check if di yan Hypermesis Gravidarum. Kasi pede kang madehydrate if pati tubig sinusuka mo. Maselan din ako magbuntis. Di ako makakain ng kanin rn. 3 months preggy din ako. Namayat ako ng 4kg. Pero hindi ko naman sinusuka ang tubig. Binigyan ako ng vitamins na makakatulong para di ako masuka at anti-acid reflux. Then eat small frequent meal. Wag mong pagsasabayin ang pagkain at pag inom ng tubig. Drink water before or after mo kumain. Isang bes nalang ako nasuka now minsan hindi na unlike last week na may araw na lahat ng kakainin ko isusuka ko. Ookay kadin soon miii. Fighting lang! ☺️

Magbasa pa

Same po tayo, 12 weeks preggy here. Na ER na rin po ako dahil sa severe vomiting and dehydration. Lahat sinusuka ko kahit onting crackers at tubig. Ang advise po sakin ng OB ko, uminom pa rin kahit onti at kumain kahit isang kutsara para maiwasan po ulit ma-dehydrate. Ang nakahelp po sakin sa morning pagka gising ko mag snack na po ako agad ng light lang, wag po muna iinom ng tubig. Dapat po unang laman ng tyan is food vs. tubig po. Frequent snacking din po every 2 hrs ng fruits. And pagkakain na po ng meal, konti lang din po. Mag morning and afternoon walk din po mga 30mins, super nakahelp din po makabawas sakin ng pagsusuka ko. Lastly, positive thinking lang po na lilipas din po ito, kapit lang satin mommies 💪

Magbasa pa

genyan din po ako bago ko malaman buntis ako ang timbang ko ay 46 nung sumapit ako nang week 6 - 10 halos diko na kaya tipong tubeg na ngalang isusuka ko pa kakain nang kanin tuwing gabe isusuka ko nalang . sobranv pahirap that time na puro suka ko . yung suka na walang kasamang tubeg . sapol puro suka ako nun less kain muna ako madami paunti unti lang then may katabi ko lagi ang biscuit na medyo salty at candy . at timbang ko ay 42 nalang . pero ngayon week 10-12 ko wala nang oag susuka at nababawe ko na ang kain ko . wala nang pag duduwak at pag susuka . #1 st pregnancy #teamjanuary

Magbasa pa

Try nyo po ngumuya ng ice cubes, or candy na tingin nyo nakakarelieve. ako din po ganyan, wala akong magawa buong araw dahil nagsusuka at nahihilo. napansin ko manggang hinog at skyflakes yung pumipigil, lalo na after ko kumain. kaya nagmamangga ako isang kutsara every meal. tapos light meals lang, as in light meals, every 3hrs kain. Nagconsult din ako sa OB, binigyan nya ako Nausecare, pero nabawasan lang yung pagsusuka, di talaga tumigil. alamin nyo din mamsh ano trigger ng pagsusuka mo, baka sa amoy, sa klase ng food (lalo na kapag oily).

Magbasa pa

Ganyan din po ako nung 1st hanggang 2nd trimesters ko, nagpapakalma sa sikmura ko malamig na tubig. Halos lahat ng kinakain at iniinom ko sinusuka ko din po pero kailangan po pilitin kumain. Mas masakit po sa sikmura kapag susuka ng walang laman ang tiyan. Gaviscon liquid nireseta sakin ng OB ko pra ma lessen po acid reflux ko, nakatulong naman kahit papaano. Palakas lng po kayo at malalampasan mo din yan.

Magbasa pa

more fruits kalang mommy ung mga prutas na gusto mo and banana po nakakatulong sa pagbawas ng pagsusuka , small frequent eat kalang po mami ung bang pakonti konti lng ung pagkain mo wag mo sosobrahan and lagi ka magbaon ng candy , kapag ayaw mo wag muna kainin kse means ayaw ni baby un hehe , kainin mopo cravings mo.

Magbasa pa

ganyan din po ako ngayon mommy. sinabihan po ako, pag feeling ko masusuka nako. susubo po ako ng yelo, kung walang yelo candy. kung iiwas po sa diabetes biscuit lang po maliiit hayaan lang na natutunaw sa bibig, wag kainin talaga para lang may laman ang bibig. para lang po madivert ang utak sa pagsusuka.

Magbasa pa

Kain ka fruits mamsh. Ganyan din ako nung naglilihi. Saging lagi ko kinakain para malessen yung pagsusuka ko. Sabi ng ob ko, kumain lang daw ako kahit isusuka ko kasi normal lang daw yun sa pagbubuntis. Mas ok na daw yung may isinusuka kesa sa wala dahil mas mahirap yun.

2y ago

more on sa pagkain ng Banana and apple din daw para iwas strech mark 😁 di ko sure if totoo. Pero for me parang effective siya, no sign ako ng strech mark until now na mag 8 months na tummy ko

ganyan din ako mi ang sabi sakin ni OB iwas sa mamantikang pagkain and konti konti lang kainin mo pwede ka naman kumain oras oras basta wag mo ifull and wag modin bibiglain ang inom ng tubig dahan dahan lang, but thanks god okay nako ngayon 22weeks nako