Stay at home Mamsh/Homebased Online teacher..

Sorry Gavin.. Kailangan magwork ni mommy.. yan nalang nasa isip ko kanina habang umiiyak siya sa kwarto.. ??? Para makatulong sa pang araw araw na gastusin nagttrabaho ako sa gabi as Online teacher. 6 months si Gavin nung magresign ako sa regular kong trabaho (BPO) at piniling mag stay sa bahay para alagaan si Gavin, nagstart na rin ako magtrabaho sa bahay. Sobrang swerte ko kay Gavin dahil hindi mahirap patulugin, bago mag 7:30 pm tulog na sya. Pero nitong isang araw lang at ngayon, late na syang natutulog sa tanghali at late narin sa hapon magising ang tendency hindi siya kaagad nakakatulog before 7:30pm. Dati kinakausap ko lang siya na magwwork muna ako babalikan kita pagkatapos ko, bbigyan ko lang sya ng dede para hindi umiyak tsaka ko siya iiwan sa kwarto hanggang sa makatulog siya.. Pero kanina ayaw niyang magpaiwan sa kwarto. Lately kasi mas gusto niyang may katabi hanggang sa makatulog siya.. Sobra yung iyak niya kanina, kahit may dede siya at kinausap ko na ayaw padin tumigil. Sinara ko nalang yung pinto ng kwarto baka sakaling tumahimik hanggang sa makatulog pero hindi siya tumitigil, yung iyak niya nagpapahiwatig talaga na gusto niyang sumama sa akin. Naiiyak ako dahil dun pero pinipigilan ko kasi 2 minutes nalang magsstart na yung class ko and di pwede makitang umiiyak ako sa video. Sa isip ko nalang ako nagssorry kay Gavin.. pero di ko siya natiis, kinuha ko nalang siya at gaya ng dati magtuturo ulit ako na yakap yakap siya. Pagkatapos ng dalawang klase tsaka ko na siya binalik sa kwarto at buti naman tahimik siyang nagpalapag at dumede hanggang sa tahimik na ang lahat ibig sabihin nakatulog na siya.. After ng trabaho tsaka ko siya ulit binalikan at kinausap.. ??? Kaya saludo ako sa mga Super Mamsh na nakakayanan magtrabaho na malayo sa anak o kailangan iwan ng ilang oras ang anak para kumita. Ako nga dingding lang ang pagitan hindi ko na matiis anak ko kayo pa kayang bumabyahe at konti nalang ang panahon makipaglaro sa anak, kakayod para may panggatas at mabili ang pangangailangan ng anak.. Salute! #Mamshare #AllAboutMamsh

Stay at home Mamsh/Homebased Online teacher..
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Stay strong mumsh. Para sa baby walang hindi kaya tiisin at gawin ang isang ina.

5y ago

Noted. Thank you Mamsh! 💕