Tantrums on toodler 😔
My son is 3 years old and 10 months old. Normal lang ba sa ganitong edad na grabe yung tantrums.Tapus sasabihan ka ng you’re not a good Mom,I don’t like you , You go outside every time na hindi nasusunod yung gusto nya or everytime pagsasabihan namin sya.Feeling ko kasi ang sama2x kong ina pero subrang alagas ko naman sya. Minsan nakakaiyak nalang talaga makarinig ng masakit na sakita galing sa anak.Minsan pa nga nanapak sya at nanakit. D naman sya ganon dati parang bigla nalang nag.iba yung ugali na. #toodlerlife #tantrums #Firstrimemom
Naku, normal lang yan sa mga ganitong edad ng mga bata. Ang mga tantrums ay karaniwang bahagi ng paglaki at pag-unlad ng isang bata. Importante na maunawaan mo na hindi ito dahil sa pagiging masama na ina, kundi dahil sa kanilang kakulitan at pagiging eksplorador ng kanilang mundo. Ang pinakamahalaga ay panatilihin ang iyong pasensya at pagmamahal habang tinutulungan mo ang iyong anak na maunawaan ang tamang paraan ng pagsasalita at pagpapahayag ng emosyon. Magbigay ng mga opsyon at limitasyon para sa kanyang mga gusto at kailangan upang matuto siyang mag-adjust at magkaroon ng disiplina. Mahalaga din na patuloy na ipaalala sa kanya ang tamang gawi at pag-uugali. Hayaan mo siyang makaramdam ng pagmamahal at pagtanggap mula sa iyo kahit na may mga tantrums siya. Pahalagahan mo rin ang mga magandang kilos at ugali na ipinapakita niya upang maituro sa kanya kung ano ang tamang paraan ng pakikitungo sa ibang tao. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Marami pang panahon para sa iyong anak na magbago at matutunan ang tamang paraan ng pag-handle sa kanyang emosyon. Patuloy na maging mahinahon at maging positibo sa iyong pagtanggap sa kanya. Alalayan mo siya sa pagbabago ng kanyang ugali at tiyakin na lagi siyang nakakaramdam ng iyong pagmamahal at suporta. 🌸 https://invl.io/cll6sh7
Magbasa paNormal po at that age ang tantrums, but on our end siguro let's try to check ung mga factors na baka naooverwhelm na sila sa too much activities or pwedeng too much screen time, lack of nap time, though iba iba kasi ang tantrums ng mga bata sakin ung anak ko na kaka 4 yrs old palang alm kong magtatnrum sya kapag antok at over stimulated na sya sa mga laro at activities na ginagawa nya kaya importante sakin na nakakapag nap sya, tapos less sugar or less sweets din po. pero ung pag sabi ng mga masasakit na salita environmental na po yan. Either a playmate, or anyone he heard or saw ung ganung wordings or whatsoever, remember na ang bata parang sponge po yan kung anong nakikita, pinapakita they only mirror it po. Maging aware nalng po tyo sa mga nakakasalamuha siguro to avoid hearing words that we knew as a parent na di naman natin nasasabi or napapakita saknila ung gnun na mga masasakit na salita so san nila pa pwedeng ma acquire such hurtful words.
Magbasa paMy 3 yrs old son ganyan din .. Matantrums kapag di nasunod pero may times na nauuto namin sya .. Di nman sya nagsasalita ng masama siguro nga dahil un sa nakakahalubilo nya kasi dito sa bahay iniiwasan ko makarinig anak ko ng mga salita na hindi pa nya alam at masama kasi talagang ginagaya nila mabilis pa naman mag adopt ang baby boy ko .. Utuin mo lang po sya mi tapos after nya nag tantrum turuan mo po sya nag sorry .. At kausapin ☺
Magbasa paWala pa po sa ganiyang stage ang little one namin, but I am reading several items na regarding tantrums. It is developmentally normal po. May underlying na dahilan daw talaga na pwedeng hindi obvious at the moment ng tantrum. Baka makatulong sa inyo ang page na ito - https://www.facebook.com/share/zCr6Qs17ikDrCRDn/?mibextid=qi2Omg
Magbasa paHuwag po kayong magpa tolerate. Kayo po ang parent at mas kayo ang may kakayahan na itama siya mga ganyang age po talaga egoist pa sila at possessive kaya hanggat maaari po huwag po kayong magpapatalo sa baby niyo magbabago din po yan basta po turuan lang ng tamang asala
for me, tantrums is normal lang. pero yung mga sinasabi nya ang hindi normal. siguro may mga naririnig sya na ganun magsalita tapos na adopt nya. sana maiwasan
Kanino niya mi natutunan yun? Kasi baka may nakikita siya ibang bata na ginagaya niya or sa mga napapanood niya.
Hindi ko rin alam mie kasi everyday kami lang dalawa sa bahay kasi work si hubby but possible ba naka apekto sa kanya yung mga bata na nga kalaro nya kasi one time natuto sya mgbad words nagaya nya sa kalaro nya.