Stretch marks

Sobrang stress na po ako, sobrang dami ko stretch mark sa legs simula nung manganak ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng stretch mark sa buong legs, sa likod po ng legs. Hindi naman po ako nag kamot. Hindi na tuloy ako makapag short o dress ? ano po ba effective pampatanggal ng stretchmarks?

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi naman po kasi kamot ang nagtitrigger ng strech marks. Misconception lang yun ng mga pilipino. Ang strech marks po ay lumilitaw dahil nababanat ang balat. Nagtitrigger ito ng pangangati kasi dry ang nababanat na balat. Normal lang po ang strechmarks kasi nag gain ka ng weight nung buntis ka. Kahit pa hindi ka nagkamot, kung dry at nabanat ang skin mo magkakaroon ka talaga. Kaya nga merong mga ways para iwasan ang strechmarks at yun ay ang pag momoisturize. But in your case dahil nanjan na, meron namang mga pantagal na nabibili like BIO OIL.

Magbasa pa
4y ago

Wala rin naman po yan sa nilalagay. Genetic kasi sya or minsan depende rin sa dami ng collagen sa balat. Madami po kasi ko kilala walang ginamit pero walang stretchmarks. Meron naman nag try sila badly to prevent it by using alot of moistirizing products kasama ng bio oil pero nagkaron pa rin. 🙁

di totoo yung kamot. sa balat po talaga naten yan. madami pong pwedeng ipahid pero sakin kasi walang epekto kaya hinayaan ko na lang. haha. nakakaiyak lang sa una. pero mag whiten din naman sya kaya di na pansinin. pero di po talaga maaalis.

Wag ka mastressed momsh, part yan ng pagiging mommy 😊 Hindi lahat ng babae makakaranas nyan, so be confident. Love your body more, isipin mo nakapagnurture ka ng buhay sa loob mo.

Namanas or tumaba ka po ba ng bongga? Ganon po kasi effect non lalo kung hindi tayo pinagpala ng bonggang collagen sa skin. Genetic din ang kamot kaya kahit di ka nagkamot magkakaron ka

4y ago

Hindi po ako nag manas eh, tumaba lang ako kaya siguro sobrang dami stretchmarks.

same 😖 nag try ako nung pasjel medyo nag light yung sa legs ko. nagulat din ako meron ako sa likod ng legs tapos tumaba pa >< nahihiya na din ako mag dress ng maikli sa labas.

4y ago

mamsh same tayo 😭 may ganon ka pa din ba?

Normal po yan lalo pag tumaba ka habang nagbubuntis. Wag po tayo mahiya sa katawan natin. Own it mamsh. Confidence lang!

4y ago

Thank you po 😊 nalungkot lang po kasi ako 20 years old pa lang po ako tapos ganon na po karami pero sa iba po ang dami na po anak pero konti lang. Hindi ko na po masuot gusto ko 🥺

VIP Member

Tumaba ka ng bongga sis..lalo na kapag ibang iba ung size mo noong dalaga ka pa yan epekto niyan.

Maglalight lang po yan hindi na po matatanggal yan. Meron din po ako sa hita pero wala sa tiyan.

same mommy tapos ang dami, nakaka stress sya tignam huhu. nag light na ba yunh sayo?

Own it. Be confident. Jusko. Kung tutuusin hindi 'yan nakakahiya.

4y ago

Yun nga po gusto ko kaso hindi natin maiwasan mga sasabihin ng ibang tao, nakaka baba din po ng confident kapag may narinig kang "ay sobrang dami naman nyan stretchmarks, ang pangit tignan. Yung saakin hindi naman ganon".