40 Replies

Mag kasing laki na tayo ng tyan 38weeks and 4days na tummy ko ganyan na kalaki . Try mong kumain ng oatmeal kapag gutom ka more tubig. Gatas lang sa umaga saka ka mag rice kapag tanghali, syempre mahaba ang oras magugutom ka talaga try mong kumain ng mga prutas sabayan mo ng tubig tubig tubiiiiig hahaha. Pag dating ng gabi 1 cup of rice mas ok kung magsasabaw ka sa gabi para mas mabilis kang mabusog or unahin mong uminom ng tubig bago kumain. Yung tubig kailangan hindi malamig

Magbawas ka ng kanin kung dati nakakadalawang tasa ka gawin mo lang isa at kung isa man gawin mong kalahati, pagdating sa prutas kung kakain ka ng isang mangga isang pisngi lang, iwas sa matatamis lalo na sa tsokolate at ice cream. Uminom ng maraming tubig. And do some exercise kahit sa loob lang ng bahay n'yo lumakad lakad ka pagkatapos mong kumain.

VIP Member

Mas malaki pa tyan mo sakin mommy 37w5days na ako. Bawas ka sa sweets. wala bang ni recommend na diet plan OB mo sayo? More water and fruits ka nalang Mamsh, yung take mo ng rice kahit onti lang bawi ka nalang sa fruits ☺️

sabi lang ng OB ko wag palakihin yung baby

Bawas na po kayo ng something na malamig nakakapag palaki po talaga yun ng tiyan, saka poh kuntian niyo nalang poh kain nio dibaling oras oras kain nio po basta poh konting konti lng poh kainin nio para hnd magutom si baby

opo bihira na nga po ako kumain ng kanin

Hala anlaki naman for 33 weeks. Mas lalo pa yang lalaki may ilang weeks ka pa mommy. Diet'2 na po. Baka kayo lang din po mahirapan nyan sa panganganak. Wag naman sana. Godbless po.

ako po ang ginagawa ko di nako nagrarice, puro ulam at gulay nalang kinakain ko. kung magrarice man ako. isang beses lang sa isang araw. Tapos nag ooatmeal nalang ako sa gabi

im 37 weeks, mas malaki po tyan nyo kesa sakin. :O the baby will keep on growing pa as you progress pero you can probably control it by improving po your diet. less sugar.

VIP Member

ilang kilo na daw po ba si baby mamsh? malaki nga sya for 33wks na singleton. ganyan kalaki tyan ko nung 33wks din pero twins naman. dpnde sguro sa katawan natin.

last ultrasound ko nung 27weeks ako 1016 grams po

no rice mag oatmeal and banana ka or yogurt tsaka soya diet pero in healthy way no to matamis ha mahihirapan ka momshie kapag pasaway ka.

konti nalang po rice ko di ko kaya pag walang rice buong araw e

diet kana po Mamsh . ako dn need na magcontrol sa pagkain . 2.5 kg na si baby , 35 wks preggy na ako. Wag ko n daw syang palakihin .

last ultrasound ko nung 27weeks ako 1016 grams

Trending na Tanong

Related Articles