May dry cough at 32 wks

Sobrang kati ng lalamunan ko, sumsakit na tiyan ko sa kauubo. Kamillosan ang nareseta sakin pero parang di effective. Baka may home remedies po kayo jan. thanks momshies.

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi sis. ganyan ako last week. makati din lalamunan lalo sa gabi at paggising sa umaga. ginawa ko naggagargle ako ng maligamgam na tubig na may asin sa umaga at gabi bago matulog. tapos try mo mag almusal ng nilagang kamote sa umaga at merienda ganun din. narealize ko acid pala ng nakakairritate sa lalamunan ko kaya nangangati. kasi malaki na tyan ko at napupush ung acid lalo pag nakahiga. try mo lang din sis. masustansya din naman ang kamote. after 3 days umokay na ko.

Magbasa pa