Threatened Miscarriage

Sobrang excited ko po kahapon kasi check up ko. Kasi tuwing check up nakikita ko si baby. Kaso upon urinalysis, nakita na bumalik na naman yung UTI ko which is normal na last test ko. Sobrang taas this time na kailangan ko na magpa urinary culture na mas mahal pa sa regular tests. Saka pagbaba ko ng shorts ko for ultrasound, nakita ng doctor na naninigas yung tiyan ko which is nararamdaman ko na po talaga for more than 2 weeks na di ko pinapansin kasi akala ko po normal lang na medyo matigas at may ngalay na feeling kung saan nakapwesto si baby. Threatened misccariage na po pala. Konting mali ko lang pwede na sya mawala. Pinagleleave po ako sa trabaho ng doctor kaso hindi ko po alam kung paano dahil recently naaksidente po ang boyfriend ko at naka indefinite leave sya sa trabaho. No work, no pay. Ako lang ang nagwowork para sa aming tatlo. Nagsusupport pa ako sa magulang ko. Ngayon po umiinom po ako ng pampakapit kay baby. At 1 week bed rest rin po. I'm asking for your prayers. Mahal na mahal ko po ang anak ko. Nung nakita ko sya kanina, mas defined na siya. May ulo na kita ko na yung backbone nya and yung legs nya si stretch stretch niya. Sana walang masamang mangyari. Medyo hindi ko na rin po alam ang gagawin ko.

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pag mommy na po tayo dapat nag sasakripisyo na tay at hndi na pinapatagal yung mga symptoms na hndi maganda agad dapat pinapatingin...yan po sabe ng ob ko sakin kase matigas din ulo ko nuNg nag positive yung pt naghintay pako ng 1week para magpacheck up eh nananakit nadin puson ko nun as in kahit alam ko buntis ako at alam ko hndi maganda sintomas yun nag work padin ako kase hinintay ko yung day off ko. hanggang sa dumating na nga yung check up ko sinabe ko na gnun nga nararamdaman ko pinagalitan ako ng ob may uti na pala ako after a week dinugo ako muntik nako ma admit nun...pinag bed rest nya ako at inom pampakapit...after nun nag resign nlng ako sa work kesa mawala pa tong baby ko na matagal ko hininge. ngaun 34weeks nako

Magbasa pa
VIP Member

Sis mas okay po na sundin niyo po si OB niyo po sa bedrest. Alam ko po medyo mahirap yun pero mas mahirap po pag nawala si baby. Nagkocause talaga un UTI ng miscarriage or preterm labor. Yan din po nagcause ng preterm labor sakin. Nagpaurine culture din ako which is mahal talaga pero dun kasi makikita un specific bacteria na nasa ihi natin pati kung anong ganot un possible na ibigay satin ng mga ob natin na safe sa mga buntis. Sinabihan din po ako ng ob ko nun na baby mo o work mo. Kaya kahit gusto ko pa magwork, di na po ako pumasok. Inexplain ko nalang sa boss ko po.

Magbasa pa

ganyan din ako sis madalas manigas tyan sabi ng midwife na bugak early labor na daw e 5months palang tyan ko tpos ung ob ko na tumingin.wala nman sinabi ganon ung binasa nya ultrasound at urine test ko wala.nman raw problem,ung pag spotting ko raw gawa ng stress pagod at tagtag kaya bedrest din ako.at binigyan ako pang pakapit, daily routine ko madalas nakahiga, natayo din nman ako para mgluto ulam hugas plato ganon, pag naramdaman ko nanigas nman tyan ko higa ulit ako tapos himasin ko tyan ko kausapin ko baby ko

Magbasa pa
6y ago

sbi nman ob ko wla nman daw problem kung himasin ko tyan ko at kausapin baby nakinig nman nawawala paninigas nya

VIP Member

Threatened miscarriage din ako upon reaching 5 months of conception. Since then naka complete bed rest na hanggang manganak.Mas mahirap condition mo kasi parang ikaw lang ang magsusupport sa inyo financially pero mas mahirap pag c baby ang mawala. Baka pwede ka muna mag online selling muna para sa bahay ka lang muna...Pray lang.Let's pray hard. You'll get through this.

Magbasa pa

Same here po when I was 5 months pregnant nag threatened abortion ako dahil sa uti ko po. Then nag take ako ng duvadilan at one wk bed rest then naging ok naman sya. Back to work na din til now na mag eight nako, im about to leave na din sa work. Let's pray always na maging ok kayo both ni baby. At wag masyado mag isip para di stress. Thank you 😊

Magbasa pa

Ingat lang po mommy. Take mo pampakapit as instructed. Ganyan din ako nun sa first baby ko. Akala ko normal lang ung naninigas sya sign of pre-term la or na pala. Awa ng Diyos naman nailabas ko ng normal si baby at 37wks.

Pray and pray sis. Rest ka muna kasi sa pagpapahinga mo mas ikabubuti nyo. Ang priority mo kayo ni baby. Kapag healthy ka, healthy din si baby, at pag healthy ka mas makakatulong ka sa partner mo and parents mo.

ingat po mommy ..ilang months na po ba kau? bsta unahin mo lng palagi ung kapakanan ninu n baby.. ako din sumusuporta hanggang ngaun sa parents.. nag oonline business po aq.

nagspotting po ba kau? mataas dn UTI ko at naggamot at tubig tlga.nag urine culture dn ako naging normal nman.

Praying for you mommy 🙏🏼 in jesus name. Wag kana mag worry mas makakasama pa yan kay baby okey.