To All Single Mom Out There!??

Sobra, SOBRANG nakaka-proud ang mga single mom dyan :( na halos lahat kinakaya para sa mga baby nila, hindi madali kung titignan. Pero? Kung para sa mga anak nila eh gagawin nila lahat, kahit wala ng matira sa sarili nila. Sa mga babae dyan tulad ko na walang kinakasamang partner, habang nagbubuntis or habang nagpapalaki ng anak. Mahirap oo, kasi isa yan sa hiling nating mga babae na mabuo ang pamilya natin in future :) Pero, tanggapin natin kelangan marunong tayong tumanggap na hindi lahat nabibiyayaan ng buong pamilya, hindi lahat napupunta sa matinong partner. At para sa mga babaeng may kinakasama habang nagpapalaki ng anak nila, swerte kayo lalo't mabait at responsable ang asawa nyo :) Single mom ako, 23weeks pregnant. 21yearsold. Masakit sa part ko na sa age kong to? nagbubuntis ako, wala akong kinakasamang partner na dapat sya ang makakasama ko. Pero, narealize ko para saan pa? kung hindi pa ipinagkaloob sakin na magkaroon ng matinong asawa. Nagkaroon ako ng magandang blessing, siguro ayun yung way ni Lord para mapalitan yung sakit. Hindi man ako pinanagutan, pero may Panginoon ako. Nawalan man ng tatay anak ko, pero mas maraming nagmamahal sa kanya at isa nako don :) Mahirap, pero dahil sa batang nasa tyan ko nakaya ko :) Nagawa kong gumising ng nakangiti, masigla, masaya dahil sa anak ko :) Lahat ng sakit na binigay samin, onti onti ding napapalitan ng saya :) Wala man syang makilalang tatay sa ngayon, alam kong maiintindihan nya sa tamang panahon :) At sa mga single mom dyan na nilalamon ng stress dahil iniwan sila, ayan ang WAG na WAG nyong mararamdaman :) Yes napakahirap, pero tandaan nyo mas masakit mawalan ng anak. Kaya hanggat maaga pa, wag nyo ikukulong sarili nyo sa sitwasyong ganyan. Gawin nyo/nating inspirasyon ang mga anak natin na kasama ntin oh nasa tyan palang natin, KAYA NATIN TO!! basta kumapit tayo kay LORD :) Walang imposible pag dating sa kanya :) GODBLESS U ALL, MOMMIES at sa mga BABIES NYO ?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sobrang blessed and nakakaproud, kasi at the age of 20, Psychology graduate and magtatake ng board exam on October. Kinakaya at kakayanin. Nakakalungkot at nakakainis mang isipin pero alam ko may tatanggap pa din sating mga single mom ☺️

5y ago

Yes, sis😊 May mawawala pero may papalit💕 Kaya nating lahat to💕