THANK YOU TAP AND GRAB!

Sobra akong nagpapasalamat at natutuwa na mapansin ang munting request ko para sa aking anak. Hindi madali para sa akin bumili ng laruan para anak ko.Iniisip ko muna kasi na i pang budget muna ang pera namin mag-asawa sa mas kinakailangan bilhin. Madalang ko lamang syang mabilhan. Kaya madalas CP na lang ang hawak nya at nag ddlownload na lamang ako ng mga Kids App tulad na lamang ng STUDYCAT na nadiskubre ko na lamang din dito sa TAP.Gusto ko na magkaroon din sya ng mga laruan (pang Montessori ang peg) na malalaro nya.Kaya ang pinili kong i-request talaga ay para sa anak ko na aminado akong hindi ko mabibili para sa kanya. Pero dapat ay may matutunan sya kalaunan at mas malayo sa paggamit ng gadget. Ngayon na kami ng anak ko ang napili ay lubos akong nagpapasalamat dahil isa na rin itong pagkakataon para maging bonding namin ng anak ko at dagdag materyales para maturuan ko sya ng panimula pang edukasyon.Kaya muli, lubos akong nagpapasalamat sa inyo TAP at GRAB.

THANK YOU TAP AND GRAB!
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

panu po sumali Jan sis!?.ang ganda nung mga laroan..

4y ago

ah..ok po sis..tnx