Hi Mommies! First time mom here 🥰
Lagi n’yo ba napapa burp mga LO n’yo? Sa’kin kasi minsan nakakatulugan n’ya na, or may times talaga na hindi ko s’ya mapa dighay 🥹 any tips naman na pwedeng gawin if hindi nakapag burp si baby. #Needadvice #firsttimemom

hello, first time mom din ako, pero share ko lang din yung ginagawa namin. (1) upright position pa rin kahit hindi mag burp, mga 15-30 mins. - sinabi rin samin to nung nurse nung nasa hosp pa kami. tinatagalan namin kapag hindi namin napa burp kasi na observe ko kapag 15 mins lang, nag susuka pa rin sya minsan. (2) kung hindi na keri yung upright pisition or ngawit ka na, pwede mo sya ihiga, pero pa side lying - tinuro din to samin ng nurse nung nasa hosp. (3) tip: lakasan mo yung pag tap. may mga napanood akong videos na kapag parents daw ang nagtatap ng baby, sobrang gentle compared sa pano sila itap ng nurses sa hospital, so recently nilalakasan na namin yung tap. yung tipong may tunog talaga, and it honestly it works. (4) eto observation ko lng din sa baby ko.. kapag nag upright position kami, unti unti na ko nahihiga, yung mga nasa 45° na, lalo na pag matagal na naka upright haha. okay lng din, tap mo pa din kahit naka 45° ka na sa kama, dumidighay pa rin yung baby ko basta tap tap pa rin pa unti unti. siguro dahil naiipit yung tyan nila habang naka lay down sa dibdib ko. (5) try mo yung different ways ng burping if hindi nagwowork yung traditional burping position. PS. kahit nakapikit na sila, possible pa rin mapaburp. ganun kasi baby ko minsan. sana makahelp! hehe
Magbasa pasi hubby, 2 ways nia pinapaburp si baby: shoulder hold at sit on lap. hindi ko alam pero ang galing nia magpaburp. kahit gawin ko ung 2 ways na un, hindi ko magawa. cguro dahil iba ang grip ng lalaki.