Ask The Expert: 🩺👩🏻‍⚕️Paano Iwasan ang Miscarriage o Pregnancy Complications? 😢

🤰🏻💬Join me, Dr. Jasmin Suleik, a General Practitioner of KonsultaMD para sa topic na Paano Iwasan ang Miscarriage o Pregnancy Complications? 🤰🏻Kasama ang theAsianparent, matutulungan ko kayong mga Pregnant Mommies sa inyong pregnancy journey sa pamamagitan ng pagsagot sa inyong questions around miscarriage, causes of miscarriage (also what can cause miscarriage in early pregnancy), what foods can cause this, miscarriage symptoms and also anything related to pregnancy complications. 😢 ❓️💬 ASK your questions sa comment section below para aming makita at masagot ❤️🤰🏻

Ask The Expert: 🩺👩🏻‍⚕️Paano Iwasan ang Miscarriage o Pregnancy Complications? 😢
114 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

share ko lang po. Nakadalawang miscarriage na po ako, 2021 ung unang beses hindi daw akma ung development ni baby based sa weeks nya hanggang sa nawalan ng heartbeat. Yung pangalawa naman na miscarriage ko was due to ectopic pregnancy, 7 weeks and 5 days palang si baby nun. Bigla lng sumakit ung tyan ko nung Aug. 6 ng gabi then nung nasa hospital nako hindi nawawala ung sakit. hanggang sa namutla na ko sa sobrang sakit at tuloy tuloy na pagbaba ng BP, 80/50 nlng. Pagdating ng OB ko pinahanda agad nila ung OR para maoperahan ako. Ayun pala, pumutok na daw ung fallopian tube ako, na nagcause ng bleeding sa loob ng tyan ko.😥💔 fast forward, salamat sa Diyos dahil naging successful naman ung operation ko at nagpapagaling nako ngaun. Sabi ni OB may chance pa naman daw mgbuntis since may right side pa ako ng fallopian tube and healthy naman din ung side na yun. Next year na daw ulit kami mgtry at kailangan magdiet para mas healthy ung katawan ko pag nagbuntis ulit. Any advise po para maiwasan po ang magmiscarriage, nakakatrauma na kasi dahil twice na nangyari saken 💔😥😥 Thank you po sa makakapansin ☺️

Magbasa pa