109 Replies

share ko lang po. Nakadalawang miscarriage na po ako, 2021 ung unang beses hindi daw akma ung development ni baby based sa weeks nya hanggang sa nawalan ng heartbeat. Yung pangalawa naman na miscarriage ko was due to ectopic pregnancy, 7 weeks and 5 days palang si baby nun. Bigla lng sumakit ung tyan ko nung Aug. 6 ng gabi then nung nasa hospital nako hindi nawawala ung sakit. hanggang sa namutla na ko sa sobrang sakit at tuloy tuloy na pagbaba ng BP, 80/50 nlng. Pagdating ng OB ko pinahanda agad nila ung OR para maoperahan ako. Ayun pala, pumutok na daw ung fallopian tube ako, na nagcause ng bleeding sa loob ng tyan ko.😥💔 fast forward, salamat sa Diyos dahil naging successful naman ung operation ko at nagpapagaling nako ngaun. Sabi ni OB may chance pa naman daw mgbuntis since may right side pa ako ng fallopian tube and healthy naman din ung side na yun. Next year na daw ulit kami mgtry at kailangan magdiet para mas healthy ung katawan ko pag nagbuntis ulit. Any advise po para maiwasan po ang magmiscarriage, nakakatrauma na kasi dahil twice na nangyari saken 💔😥😥 Thank you po sa makakapansin ☺️

Hello po, 11 weeks and 1 day na po kami ni baby ngayon, noong 9 weeks pa lang kami nag spotting kami then neresetahan ng pampakapit at antibiotic kasi nakitaan ako ng infection, after 3 days lumakas na yung spotting ko at fresh blood na yung lumalabas kaya nag paadmit na kami sa Hospital pagka ultrasound normal naman lahat at si baby, after 3 days nakauwi na kami ngayong 11 weeks and 1 day pagkagising ko may spotting na naman ako kahit na iniinom ko lahat ng reseta sa'kin at naka bed rest na ako, ang layo kasi ng clinic at hospitals dito minsan wala pang mga doktor kasi nasa maliit na probinsya lang kami kaya nahihirapan ako di ko maiwasang mag alala, ano po kaya ang magandang gawin?

last na nagpa TVS ako anterior placenta grade 0 e tinanong ko naman sa OB sabi niya normal lang naman daw.

TapFluencer

Hello doc! nacoconfuse ako. Okay kasi sa OB ko to drink one cup of coffee a day. pero yung mga tao sa paligid ko pinagsasabihan ako na masama daw sa buntis ang kape. ayoko din naman magsisi sa huli. Pero sainyo ba, bawal talaga ang kape sa buntis? makakacause ba ito ng Miscarriage o Pregnancy Complications?

Pinag bawalan nga rin po ako pero hirap po talaga kasi ako magwork pag walang kape. Hindi po talaga maka focus. Eh need ko po lalo mag work talaga hanggat kaya para makaipon. Kaya nag kakape po ako pampa energy boost at focus lang kahit kalahating tasa lng po.

August 12 Po nagpa ultrasound Ako Patay na Po baby ko kung aantayin ko pong lumabas Hindi Po b Ako malalason kung Wala na si baby Yung Po Kasi sabi Ng ob na antayin ko lumabas .. worried lang po

ilang months napo sa tyan nung namatay.

hello doc nag ka miscarrage po ako nung june 16 (BLIGHTED OVUM) normal kolang po nilabas yung sac at di ako naraspa after naman po ng bleeding ko nun negative nako sa pt and clear na sa ultrasound july 12 1st menstration ko after makunan inabot po sya ng july 23 then nagpt po ako ng august 7 postive po and august 12 dinapo ako dinatnan bali halos 1month palang po ako nakakapag pahinga sa miscarrage posible poba maulit yung miscarrage ko gano po kalaki yung chance na magkamiscarrage ako ulit nag aalala po kase ako ayoko napong maulit yon sobrang nakakatrauma sana po masagot

Hello po. Will continuing the activities I do prior to pregnancy cause complications? For ex, I used to bike to work before (only around 1km), bawal ba talaga? I actually feel it's less "bumpy" compared to riding the padyak/ motorcycle, and less strenuous than walking. Will walking that 1km a better alternative instead, or what exercise is more recommended? Being quite physically active, I don't think I can do without physical exercise. I'm 38yo, this is my 2nd pregnancy. My 1st one was when I was 36y completely normal and healthy pregnancy and delivery. Thank you po!

Got it. Thank you very much po, dra! 😄🙏

11 weeks ako now last ultrasound ko may subchorionic hemorrhage parin ako nung una pinagalitan ako 7weeks ako nun kasi delikado daw ito kaya niresetahan ako pampakapit for 1 week at nirequest ulit ng ultrasound. tapos nung follow up ko iba ang nagcheck up sa akin at sabing okay lang yun at mawawala din daw. kaya pinababalik ako ng after a month na at di na nagrequest ng Utz. ano po ba talaga ang totoo medyo worried kasi ako tho wala naman akong any bleeding or cramps na nararamdaman.

Depende sa volume ng hemorrhage at kung may improvement ba sa next ultrasound. Mababawasan/mawawala din yan basta bed rest (until sabihin ng OB)

Hi po. I had a miscarriage last Feb po (6weeks), I guess dahil po that time I continued with my usual activity like riding a single motorcyle, akyat baba sa stairs, kumakain ng pinya.. Now, I am pregnant again (7W3D). I feel so anxious everytime I will feel cramps, or kahit walang cramps. Natatakot na po ako baka it will happen again. I am a teacher po. Opening of classes na naman this Aug 29. What should I do po Doc?

pwde daw kumain ng pinya kpag ka buwanan na po kc daw mag nkktulong daw yun mag open ng cervix natin pro pag hindi mo daw pa ka buwanan wag daw kakaib

Hai doc. I lost my baby po last Friday (Nov.10,2023) nasa 7 weeks and 4 days napo sana. Possible cause yung sakin po ayy stress tsaka travel kasi we travel to Bukidnon for election duon ko lang po nalaman na buntis ako then I am also working. According sa OB ko po madami pung cases nang katulad sa akin specifically on the first trimester. Possible then po ba na mababa yung matris ko kaya mahina kapit ni baby? Then if I get pregnant again po ano po yung mapapayu ninyu? Thanks

hello, po. Doc, yung sakin po is biglang humilab tiyan ko. Kaya nag jebs ako. Habang nag popop po ako nakita ko pong may orange na discharge ang pantyliner ko po at medyo strong ang amoy nya po. Uminom po ako ng Dophaston at Isoxilan pero after a few minutes nahimatay po ako at kinagabihan masakit masyado ang likod ng ulo ko po. Di po ako maka punta agad sa OB ko kasi bawal walk in at ang appointment is next month pa me available. Patulong po, di ko na alam gagawin ko.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles