Mareng Tess here!

Hello tAp and hello world! Ako po ang nag-iisang Mareng Tess, ang Sizzling Tsismosa ng L.A (Lower Antipolo)! Alam n'yo ba kung ano'ng masarap na K kapag tag-ulan? Siyempre, kuwentuhan! ☕💅🏻 At ang juicylicious topic natin today ay:

Mareng Tess here!
239 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

in our case... mabait nman si inlaws, though minsan nakakainis lang. syempre may nga nakasanayan sila sa probinsya at ang family nila hubby not as open or transparent like sa family ko. sa family kasi namin open kami sa mga sama ng loob, para macorrect but respect syempre anjan pa rn. si hubby mahilig magtago ng sama ng loob and inis sa parents, sabi ko walang masama mag open ng feelings as long as gentle approach and yong respect anjan pa rin. kung ayaw mo ng sinasabi nila then sabihin mo hindi yong kahit against ka nman pero nag oo ka kahit ayaw mo. sa kanila naman, para d sumama ang loob nila, si hubby oo lang ng oo pag may mga demands sila or advice na dapat mong sundin actually hindi na advice ehh mando na, which is yon dn kinaiinisan ko minsan, kasi what i want is we have our own family so it's our decision to make na, not them.. they can suggest or advice pero hindi yong tipong mando na para bang oblige ka sundin. kahit hindi kayo magkasama sa isang bahay pero parang nasa puder ka nila kasi kapag nagsabi sila kelangan parang sundin mo. yong tipong ganun and when it comes to their apos, kapag nasa puder nila they are free to decide for their apos without asking permision first sa parents, kesho andun sa puder nila whether bakasyon lang yan, so parang may right sila to decide what they want sa apo, which is against ako kasi dapat you are just a lolo and lola to guide them, not to decide for them. kung may gusto man sila gawin like pa gupitan ng hair kelangan magsabi muna sa parents ng apo db, kahit man lang sabihin na ok lang ba pagupitan namin si ganito? hindi porket nasa puder ang apo sila na magdedecide, still nasa magulang pa rn dapat ng bata ang decision. tapos tulad nyan preggy ako, tumawag para lang sabihin na mag asikaso na ng pambayad knowing na nasa first tri pa lang ako, i understand their concerns pero wag mamilit kasi stressful sa part namin na ang aga pa ra mamroblema ng pang gastos samantalang kami relax lang muna trust the process kung baga. and the fact na hindi nman na kami teenager na nadisgrasya tapos need mag galaw galaw san kayo kukuha ng pang gastos, kaka stress db? may sarili kaming decision or what to do, sana bago man lang sila na mroblema na dapat d na nila problemahi lalo pa kung wala rn nman sila mai offer na pera or someone na pwde namin hiraman if ever, just wish us congratulations, good health and safety na lang sana for the mean time.. and besides hindi nman kami nag aask ng help about money, so parang sila pa malaki problema kesa sa amin 😬. ika nga suggestions are open, advices are welcome pero wag lang mando nasa amin na yon kung susundin namin or hindi. we are adults na and can decide for our family. what they can do is alalay lang ganun.. kaya minsan naiinis ako sa ganun... but sa ugali nman mabait mga inlaws ko, kaya mnsan pag nagbabakasyon ayaw ko ng matagal kasi pag andun kami syempre their house their rules... nakakailang dn mnsan kumilos kasi parang baka mapuna ka. iba yong nakasanayan nila sa nakasanayan ko, so syempre adjust dn ako, pero pag sa tingin kong mali nman, sinasabi ko kaya mnsan nabibigla dn cguro sila kasi non of them sa mga anak nila nag oopen ng ganun. parang ok ok na lang kahit hindi. 🤷 tapos ito pa, kapag nahihirapan ako ehh open kay mother inlaw na naiinis ako, kay sis inlaw ako nag oopen kasi ang expectation ko si sis inlaw ang magigibg tulay ko to let my mother inlaw know na masama nga loob ko, kaso ang ending sasabihin lang ni sis inlaw na ganun tlga yon si mother inlaw, hayaan ko na lang daw, which is mali para sa akin. tapos yong attitude pa ni sis inlaw yon bang naiirita sya na nag oopen ako sa knya ng ganun kasi ang gusto nya mangyare hayaan na lang kasi ganun tlga yon, ehh ayaw ko nga sana ng ganun, ang gusto ko mangyare yong sya ang kumausap kay mother inlaw about the prob. hindi yong iignore na lang ang prob without solutions. 🤷so wala tlga, hindi sila sanay sa ganun na maging open sa isat isa para maayos at magkaintndhan... ang panget lang kasi 🤷 so feeling ko tuloy ako ang kontrabida kasi ako lang ang nakakapag open up ng sama ng loob sa knila na kapag hindi ehh dapat hindi 😬 pero ok nman kami... at least mnsan narerealize dn nila na mali dn nman sila

Magbasa pa
4y ago

same same mga sis.. huhu mabait naman si MIL pero minsan ang daming advice na parang utos na rin. Pag ganun nakikinig lang ako tapos kay hubby na lang ako mag sasabi ng niloob ko. haha Pero minsan nung bagong panganak ako nag stay siya sa bahay namin para samahan ako kesyo di ko raw kaya mag isa. Ok naman kasi nag volunteer siya magluto at maglaba kaya lang pag umiiyak newborn ko kinukuha niya tapos siya na raw magpapatahan umiyak talaga ako nun di ko siya kinausap. Pero pag katapos nun lumapit siya sa kin at nag sorry umiyak din siya wala raw siya masamang intensyon. Mula nuon dumistansya na siya at umuwi na rin sa bahay niya. Pag dumadalaw rin kami sa kanila nagtatanong na siya kung pwede ba yung ganito ganiyan sa apo niya. heheh.. nagtatanong na lang ako sa history ng pagpapalaki niya sa asawa ko para ma feel niya na seeking advice base sa panahon dati pero nagsasabi naman ako kung pwede kay baby nag adjust naman siya para di ko siguro ilayo apo niya. hahaha