postpartum

Hi mga mommies. Sana wala po mag bash. Kailangan ko lang po talaga ng help ??? hindi kasi naniniwala nanay ko sa depression. Tingin niya pag may ganun ka baliw ka na. ?kaya nahihirapan ako mag open at mag sabi ng nararamdaman ko ? ano po ba mga ginagawa niyo para di niyo ma feel na parang sasabog ka na talaga na halos masasaktan mo na sarili mo ? #newMommy #4monthsPOSTPARTUM

54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you momsh. Magisa lang ako sa pag aalaga sa newborn ko (26 days). Minsan naiiyak ako may mga times din na tinatamaan ako ng sobrang lungkot. Ginagawa ko kumakausap ako ng ibang tao and nagkkwento ako sa kanila about sa nararamdaman ko.

5y ago

Kaya mo yan sis. Pray ka lang and kausapin mo din si baby. Kung gusto mo umiyak go lang din. Tulad din ng sabi ng ibang mommies dito, ianalyze mo ang schedule ni LO mo. Kapag tulog, gumawa ka ng house chores or makakalibang sayo. Pang “me” time mo ba. Or if you want sabayan mo si LO matulog. Tiwala lang sis, malalagpasan mo din yan

Lam mu mhirap tlga yan aq nga araw2x umiiyak at pkiramdam ko napakaworthless ko lalo na kpg umiiyak si baby...tpos ano2x pumapasok sa isip ko pero lagi ko nagdadasal tpos lagi ko sinasabi kakayanin ko ito labanan pra sa baby ko

Mommy mag pray ka lang ng mag pray kasi ganyan din nararanasan ko ngayon since bumuka tahi ko sobrang dami kona naiisip na di maganda pero pray lang tlaga, ipag pray mo na dimi masaktan sarili mo at si baby.

5y ago

Opo salamat po ❤

Ganun din asawa ko ayaw maniwala sa postpartum depression kaya heto ako ngaun kung ano ano sinasabi sa kanya ng masasakit, ayaw niya maniwala e. Minsan gusto ko na nga mag commit e kaso nanaig yung puso ko para sa anak ko

VIP Member

Nangyayari din sakin yan , bigla nalang ako umiiyak at prang my kung ano anong iniisip, sabi sakin ni Lip magpatingin n ako, sabi ko ndi naman ako baliw . Pag sinasabiban nya ako ng ganun feeling ko tuloy lokaret na ako.

Lumapit ka sa mga medical expert sis like psychologist sila nakakaalam nyan dhil expert sila dyan..nakaranas din ako ng post partum depression sis pero napaglabanan ko sa tulong ni God kc wala nakakaintindi sa akin...

Hugs mamshie! ❤ hinga ka lang ng malalim,inhale tapos exhale. Ang gawin mo,isama mo sa OB mo para yung OB mo ang mag paliwanag sa nanay mo. Para next time,mas maging sensitive na siya sa nararamdaman mo.

5y ago

Salamat po ❤

Always pray to him, and isipin mo yung baby mo. Ipag pray mo na sana maintindihan ka ng mommy mo about sa case mo. Laging ang diyos kausapin mo just trust in him at siya na ang bahala sa lahat

Pray first. Ako I've been depressed na talaga for 7 years and the first thing to do is pray. Then try to get a hold of yourself. Read books, listen to music, anything to take your mind off of it.

PRAY kalang mommy isipin mo lagi si baby. Kung my friend ka or partner dun mo sakanila sabihin, ibusy mo lagi sarili lo mommy wag mag overthink, lahat tayo my problema, dasal lang po mommy 💖 GODBLESS

5y ago

Opo salamat po ❤