Share Ko Lang Po

Skl po yung story ko mga mommy. About po sa tatay ng magiging anak ko. Naka sama ko po siya sa work ko dati at naging kami ng 9months. Nagsama rin kami sa bahay nila ng halos 2months. Wala po akong kaalam alam na may pamilya na po siya. May asawa at anak na po pala siya at tinago niya sakin. Nung una inamin niya sakin na may anak na siya pero wala na silang komunikasyon nung babae at hindi siya kasal. Naniwala naman ako dahil parang nag live in kami for 2months. One time nagkamali siya ng text sakin, in bisaya yung text niya kaya di ko naintindihan dahil naman ako marunong magbisaya. Nagkaroon ako ng kutob sa text na yun dahil kahit papano may mga words na naiintindihan. Nung una di ko pinansin pero sobra akong nabobother kaya pinatranslate ko sa kasama ko sa work. Sabi niya sa text na yun, "Miss na miss ko na kayo at mga bata, ingat kayo jan". Sobra akong napaisip at paulit ulit ko siyang tinanong kung kasal ba siya at may pamilya pero tinanggi niya ng paulit ulit. Nagalit siya sakin dahil wala daw akong tiwala sa kanya. Nalaman ko nalang sa trabaho na may asawa at tatlong anak siya na nasa probinsya kaya hindi niya kasama. Nakipaghiwalay ako sa kanya at wala akong intensyon na maging kabit. Nalaman ko buntis ako at alam niya yun. Umalis ako sa trabaho namin dahil hindi ko matanggap yung totoo. Naging kabit ako ng wala akong alam, sobra ako nahihiya magsabi sa magulang ko na pamilyado ang naka buntis sakin. Meron siyang malaking utang sakin kaya sinubukan ko siyang kontakin para maidagdag ko sa panganganak ko pero ang text niya lang sakin na wag ko na daw siyang guluhin at masaya na sila ng pamilya niya. Sobrang nakakagago. Pinamumukha niya sakin na may MatBen naman ako kaya wag ko na siyang guluhin. Hanggang ngayon hindi niya ko binayaran at wala siyang sustento sa anak ko. Hahayaan ko na lang ba? Naaawa ako sa anak ko.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Singilin mo ung utang niya idemanda mo pag di nagbayad ... nakakagalit nga ... hihi senxa nadala ako ... pero aus na na wag mung ipaglaban, madami naman ng singles moms sa panahon ngaun, gustuhin man natin na buo ang ating pamilya, di pwede ...explain mo nalng sa anak mo paglaki niya ...at iopen up mo sa magulang mo tiyak magagalit din sila sa lalaking yung

Magbasa pa

Mommy ilapit mo sa DSWD yan kz meron n taung batas n kelangan sustentuhan ng ama Ang knyang anak..pwede yan mkulong kung ayaw magsustento.