discharge

Hi sis normal lamg ba ung discharge na parang yellow green pero wala nman amoy. Kaka 8 months ko lamg po today. Nag papanty liner ako sa araw ksi magastos sa panty pag wala. Sa gabi po wala panty liner.

discharge
39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

consult your OB about this para maresetahan ka ng antibiotic. infection po iyan, mas maigi wag po tayong gumamit ng panty liner and humingi ka na rin ng prescription kung ano mas magandang fem wash. nagkaganyan din po ako nung 3months ko, hindi rin siya madaling naalis kahit natapos ko na 1 week antibiotic ko, naglessen lang pero now halos wala naman na. nirecommend akong gumamit ng maggynepro and more probiotics tulad ng yogurt and yakult, iniwasan ko rin sobrang matatamis. pero mas maigi talaga, consult sa OB para maagapan agad at para hindi umakyat kay baby. take care momsh!

Magbasa pa

sa akin sis ganyan pero wla namang amoy tapos nung nagpacheck up ako sa ob ko tapos nag request cya ng urine examination so nung nakuha ko na result may UTI ako kaya binigyan nya po ako ng antibiotic good for 7 days .. pero hindi ko ininum kasi natatakot ako gamot yun eh baka mapano c baby sa mga epekto ng gamot.. so nag home remedies ako which is yung hubby ko kada paggising ko sa umaga coconut water talaga yung pinapainom nya para ma flush yung bacteria ... so far nagbabalik na normal yung discharge ko

Magbasa pa
4y ago

and then may ka kilala itong husband ko sa trabaho, na sa kakatake po daw nya ng gamot for UTI na neresita ng OB nya na kunan sya namatay baby nya 7 months sa tyan .. and then nabuntis ulit sya and again nagkaroon sya ulit ng UTI neresitahan ulit sya ng gamot at sa kasamaang palad nawala ulit baby nya 3 months sa tyan.. so far ngayon nagkababy na talaga sya turning to 2 yrs .old .. coconut water and natural water iniinum nya palagi kasi ang coconut water is diuretic .. po .. so ayun .. nailuwal nya baby nya na maayos .. sya po yung nag advise sakin base po sa experience nya

Bacterial infection po yan. Nagkaganyan po ako 6 mos preggy, then na resetahan ako ng suppository antibiotic, mas ok kesa iniinom sabi ni OB. Hanggat maaari ayaw nya ako mag inom ng antibiotic kaya pasok nalang sa pwerta for 1 week saakin. Ask your OB po agad. Para di umkyat kay baby ang infection and eventually makakaramdam ka ng pangangati at pamumula ng pwerta. Delikado po yuon. Aavoid ka makipag Do kay hubby. now going 8 months napo, wala ng ganyan. More water din at buko juice to cleanse your urine

Magbasa pa

Yan din ung tanong ko sis..kong anong meaning nyan kc meron dn ako nyan peo wala ding amoy..wala ding belurning or itching..as in normal lng sa feeling peo ung discharge lng ung nd.. tas nilagnat sko dahil dn to sa pagod tas siguro mainit na ngayong panahon.. Thank u sa mga cmmnts d2 kxi nd lng pla ako nka ranas nito.. kailsn ba lumabas ysng green discharge sa inyo mga sis?

Magbasa pa
VIP Member

Infection po yan. Tell your OB about it para mabigyan ka prescription for suppository kasi malapit ka na manganak need na malinis ang daanan ni baby. And wag ka na mag panty liner sis nakaka UTI din kasi yan. Suot ka lang ng light colors na panty para makita pag may discharge. Tiyagaan lang talaga sa paglalaba pagkatapos😂

Magbasa pa

Better if magpacheck up ka mommy. Usually yellow green to green discharge is a sign of bacterial infection kahit no odor/itching/burning. I had BV pala when I was pregnant before kase I always use panty liner. My OB suggested not to wear any so palit nalang ako ng palit ng panty para sure.

Ganyan dn ako sis. 7 months. I think normal lang. wala dn nman masakit o foul smell sa discharge ko. Though hnd ako nag ppanty liner kasi feeling ko mas may amoy discharge ko pag nkaganyan at iwas na ko sa UTi nagka uti kc ako nung 3 months..

5y ago

Thank you po, gastos ksi sa panty pag wala oanty liner. And di nman po sya bumabaho.

VIP Member

Mommy, bawal po sa buntis ang panty liner prone po sa UTI at parang super yellow po ng mucus or ihi niyo po, try to check your urinalysis po parang may UTI kayo para maagapan baka umakyat kay baby kawawa siya if ever. Pa NSFW po mommy

VIP Member

Dont use panty liners. Dibaleng lagi ka nagchachange ng panties. Its for your safety naman. Infections yan and it can cause premature labors. Baka umakyat infections mo pumutok bigla panubigan mo sis. Consult your doctor asap.

bawal po sa buntis Ang pantyliner kasi magka cause Po Ng UTI. 19weeks and 5 days po ako my UTI po ako, pinagbawalan ako na gumamit Ng pantyliner po.change lang Po Ng underwear 3* or as needed po.☺️