Mahina ang pain tolerance

Sinu sino po dito ung mahina ang pain tolerance pero nakayanan ang normal? Sa totoo lang, kabado na ako kasi malapit lapit na., nadiscourage ako ng ob ko sa epidural anesthesia, malaking karayom daw gamit dun tapos baka di n daw ako umire kasi wala n akong mararamdaman na sakit nun., then ang price 20K iba ba bayad sa anesthesiologist. Advice nga po mga mii, pampalakas ng loob. Sa sat ie n ako, dun palang sobrang kabado narin.. 🥺🥺

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Napakahalaga ng mental preparation. Ngayon palang alisin mo ung kaba/takot and isipin mo ung mga nanay natin noon na nakakapag anak ng normal na sampu o higit pa mga anak. Our bodies are designed for this, yes masakit pero kaya natin to bilang mga babae. Kapag may naririnig ka na negative or napapanood na super sakit, etc/ iwasan mo ito at iprepare ang isip mo na kaya mo. Kasi nakokondisyon din ang katawan mo na kakayanin mo to. 🙏

Magbasa pa