Insecurities
Sinu po sa inyo ang katulad kung an daming insecurities sa katawan 😭 80kg na ko 8months preggy, andami ko na ding pimples at stretchmarks. Minsan ayoko na rin nakikita sarili ko sa salamin kasi napapangitan na ko sa sarili ko 😭😭

Okay lang yan. Hormones kasi natin yan kaya ganyan pakiramdam mo. Natural lang yan sa mga buntis. Ako nga umabot pa 120kls nung buntis. Super itim ng kili kili ko tapos nadagdagan pa lalo ung mga battle scars ko sa tyan ko. Pangit na pangit din ako sa sarili ko nung preggy ako pero dedma lang. After ko nalang manganak ako bumawi. Skin care at kung anek anek para maboost ulit ang confidence ko. Dedma muna kung mataba importante glass skin. Chos! 😉 Cheer up! Ang importante may dala kang healthy na baby sa katawan mo. Baling mo nlang cguro sa iba ung atensyo mo para di mo msyado maramdaman at maisip yang mga insecurities mo. 😊
Magbasa pa

