congenital heart disease
Sinu po dito may anak na may congenital heart disease? Gusto ko lang ng makakausap. Sobrang stress na ko.

Hello! Ako po sa case ko mismo may congenital heart disease (CHD-VSD) kung tawagin. May butas ang heart ko at may bara ang ugat. 28 years na kong meron nito inborn. 28 years na rin po akong pasyente ng Philippine Heart Center. Need daw po masarhan ang butas ng may CHD gaya ng sakin. Muka naman po akong normal kung titignan walang sakit. Awa ng dyos. Never pa po ako inatake, nagkakaron lang ng pagpapalpitate. And may baby na po pala ako hehe. 4 yrs old na ngayon, high-risk pregnancy ako. Sa Philippine Childrens Medical Center ako pinaanak, dun ako nirefer ng heart center. Normal Delivery na painless po ginawa sakin di po ako pinaire kasi bawal.. kaya ginamitan ng forceps si baby. Sa ngayon, buntis po ulit ako.. 5 months. Alam ko po mabigat sa dibdib may sakit ang baby lalo na kung CHD, gaya ng naramdamdaman ng Mama ko sa akin, pero wag po kayo panghihinaan ng loob. Mabait si God. Gagaling rin po ang baby nyo.. Mas maigi po kung sa Philippine Heart Center nyo patignan sa Out-Patient Division po. God bless po, Mommy.
Magbasa pa



Mama bear of 2 sunny prince