asthma

Sinong mommies dito ang nagbuntis or nagbubuntis ng may history ng asthma? Actually may hika ako since bata pako nang ngayon buntis ako ilang beses nako inubo at sipon tapos ngayong 6 mos nako hirap naman ako huminga tapos inuubo, normal bang hirap huminga pag gantong malaki na tyan? Naawa ako kay baby pag umuubo ako feel ko nAgugulat siya, sa mga mommy na may history ng asthma share niyo naman experience niyo while nagbubuntis. Thanks

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh ako may history na tinubuhan dahil lumala asthma ko naging pneumonia na 50/50 ako that time and i was on my 1st trimester and 1st baby. My pulmonologist injected me a lot of antibiotics pero sinabihan nya agad ang daddy ko at asawa ko na mgging risky yun sa baby. Nagmiscarriage pa ako that time.. ngayon i was preggy again on my 2nd baby 1st trimester inatake ulit ako pero di na ako nagpasaway punta agad ako ER at dahil kilala naman pulmo ko sa mga ospital dito nalapatan ako ng tamang gamot mamsh. Im on my 21weeks now and stable ang lungs ko regular check up talaga ako sa pulmo at OB ang mahal ng gastos ko pero okay lang as long as safe kami pareho ng baby ko 🙂

Magbasa pa