31 Replies
Ako, meron. Sobrang bastos. Nagising nalang ako ng madaling araw alas tres. Iwan ko ba kung bakit nagising ako pero sa pagkakaalam ko binuksan niya pintuan naming mag asawa. Tapos nung matutulog na sana ulit ako after a few seconds timing pa na nagising din si hubby. Sinadya niya yata kasi sa oras na narinig nya na nagising yung asawa ko, tinawag niya kasi may pinapakuha siya. Alam ko namang importante. Pero common be human naman. Tama bang sumisigaw sigaw sya ng madaling araw? Eh pwede naman niya gisingin asawa ko na hindi sumisigaw sa sala. Pwede naman siya pumasok at kalabugin asawa ko para magising kung importante talaga. Hindi yung sumisigaw sya. Ayon in the end ako yung napuyat kasi isang oras ba naman syang may kausap sa phone. Atsakamay pasok pa ako at that time. Nakatulog ng alas dose nagising ng alas tres. Nakatulog ulit around 5am tapos gumising ng 7am para maghanda, sumakit pa ang ulo oh diba ang ganda ng buhay
Ako naawa ako sa mil ko gusto nya magbigay ng magbigay samin ng hubby ko kasi mabait naman sya kahit minsan topakin. Etong nagiisang sis ng hubby ko ang impakta ang ugali superrrrrr... Lalo na first apo ma girl to dahil puro sila lalaki kaya lalong usok tenga sakin tong sis ng hubby ko. At magpapainduce pako by april 17 dahil gusto ng hubby ko and brother nya para kabday ng baby girl ko daddy nila na pumanaw na. Kaya feeling ko mas lalong uusok tenga nya sa inis at inggit.. Insekyur kasi sya dahil 30 plus na sya. And pinaka kuya nya si hubby ko pero ako kasi nasa 20 palang kaya pinagiinitan ako pero diko nalang pinapatulan kaya ako kinakampihan ng hubby ko...
Oo nga sis eh lalo na sya yung umiinis sa sarili nya tulungan ko na sya 😅😅😅
Kasama namin sa apartment yung MIL ko kasi naabutan sya ng lockdown. 😅 Hayun, palagi may comment sa kung anong brand ng baby essentials ang binibili ko. Kesyo mas maganda eto, mas mura eto. 🤣 🤣Dedma na lang. Sa isip ko, ah eh pera namin po yung pinangbabayad ko. 🙄 Andami-dami ding pamahiin. Minsan naiirita na ako. 😅 Well, bottom line, sana maging okay na ang lahat para uwi na sya. Char! ☺️
Ako grabe nakakaurat sobrang favoritism don sa ate ng hubby ko. GRABE NAKAKAURAT SILA PURO SUMBAT PATONG NANAY NYA SAMANTALANG DATI ANG AYOS AYOS NAMAN NYA SAMIN. ITO NAMANG ATE NYA ARGHH PURO KATAMARAN AT KAARTEHAN MYGHAD . MAS GUSTO KO PA SAMIN EH KSI SAMIN SOBRANG BAIT AT TOTOO NG MAMA KO WALA KAMING NARIRINIG DITO LAHAT NALANG BIGDEAL AMP
Doon ka nalang sis.. Pangit toxic ang paligid..
Ako d naman sa mga magulang kundi sa mga kapatif ng asawa q 😭😭 simula mgkaanak kami ng asawa q 7yrs na kami d nag uusap ng mga kaptid nya naiimbyerna aq buti nlang nkabukod kami kaya lang nsa compound din kami kaya d maiwsan d q cla mkita dedma nlang..lage kami nkakulong sa bahay pti asawa q pagkagling sa trabho at school..
oo sis.. deadma nalang as long as hindi sa kanila galing kinakain nyong mag ina :)
Baitan mo lang lalambot din yan sila momsh. Sakin mababait naman parents ng asawa ko kaya wala ako problema. Nung nagpre term labor ako nag alala din sila samin kaya dumadalaw e. Kapag sumobra na sila, kausapin mo na asawa mo. Mali din kasi na masyado silang makialam.
Kapag nakipisan Tayo sa mga biyenan Hindi pwedeng Hindi sila makikialam. Unfortunately kailangan mong makisama sa Reyna ng palasyo. You can't have 2 queens in 1 palace. The best thing to do is to get your own home. Ikaw n ngayon Ang reyna.
D ko pinapatulan momsh. Dedma na lang talaga ako sa both MIL and FIL ko. Pinakikisamahan ko sa abot ng aking makakaya😁 Kasi parents parin sila ng mister ko. Bumawi nalang ako sa kabaitan ng asawa ko.
Meron talagang ganun .Maalaga naman kaso nga lng atribida pa rin huhuhu.Kulang na rin sa amin ni hubby yung financial namin gusto pa si hubby magbabayad ng utang niya weekly hahaist buhay.
Hindi naman maiiwasan na may nakakairitang MIL. Parang mga co-workers lang yan. Need natin tanggapin na may mga kontrabida sa buhay natin 😂
Anonymous