Phinga muna sa work to focus magkababy

Sino sa inyo mga momsh ang long time trying to conceive na? Ano yung mga gingawa nyo para hindi na lang masyado maisip yung pinagdadaanang “ganito” ? And since I am long time trying na din, napagdesisisyunan naming mag-asawa na magstop na muna ako sa work siguro within 6mos to focus on myself, iwas muna sa stress, lahat ng klase ng stress specially “workrelated stress”. Para mgkaroon ng time to visit doctor regularly, do checkups regularly. Lahat ng dapat gawin ng isang TTC. #Conceiving #Asking Please help me momsh to grant out greatest wish and hardest prayer to have a child. 🙏 And baka may masusugest pa kayo na ibang pwedeng gawin para malagpasan at makayanan pa namin tong struggle na to.

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

malaking tulong tlga ang no stress. in my case, I'm a PCOS, about 8.5 years TTC then I resigned sa work. nakaganda kasi nabigyan tlga ng attention ang regular check up, at ang sariling nutrition, diet and exercise. for me, first things first - pareho kayo pa check up at i-work out ang journey to conceive. God bless you guys, God is good and gracious

Magbasa pa
3y ago

Thank you momsh. 😌 Sana nga next year dumating na si baby. 10 years na din kami ni hubby next year so ang tagal na din talaga. Parehas pa sa both family namin na kami nalang ang walang anak. So parang lahat pa ng tao samin, hinihintay din talaga kame na magkababy na which is for me, nakakataba ng puso and lahat naman sila they suggest din kung ano yung mga pwede pa naming gawin. Nanjang pumupunta din kami kay sta.clara sa katipunan, nag-aalay ng itlog, uminom ng paragis. Si hubby ko deboto pa ni nazareno yun. Mas matibay ang pananampalataya nun sakin. Pag ngdadasal nga ako, sinasabi ko nlng na “kung talagang para po sa amin, ibigay nyo” Kung ano ang kalooban nyo, iyon ang mangyari samin” kaya mtyaga nalng kaming naghihintay kahit na muntik ko na talagang isuko nun ang pag-asa ko sa kanya. Sabi ko nun, ayoko ng umasa. Di nako aasa. Kasi masakit na, paulit ulit yung pagkabigo ko sa twing buwan buwan may mens ako. Parang nawala ako sa sarili ko nun. Grabe, di ko maimagine na dumaan ako sa