22 weeks preggy
Sino pong nakaranas dito na maputi ang kili-kili pero nong nabuntis at tumungtong na ng 4 mons nagka butlig butlig. Naging sobrang kati at nangingitim na. May napansin din ako na parang namamalat yung kili-kili ko kaya sobrang pula at itim nya na now. What should I do mga mommy? 🥺 #pleasehelp #firstbaby #FTM #advicepls
naexperience ko yan ung nagbubutlig butlig tapos sobrang kati na pagkatapos sobrang namumula na tapos masakit sakit pati sa ilalim ng boobs ko nagkaroon. ginawa ko lagi akong nagdidikdik ng leaves ng malunggay ipapahid ko sa kili kili ko ibabad ko ng mga 5-10 mins araw araw bago maligo tapos pinapahanginan ko kasi kelangan di nababasa, masakit din kasi pag basa. di muna ako naglagay ng tawas or deo sa kili kili hanggang sa nagdry at gumaling
Magbasa paganyan din po ako.ngyari yan nung pgpasok ko ng 2nd tri.normal lang naman po siguro.baby boy ang baby ko based sa cas ko nung 23weeks,iniwasan ko nalang magshave ng kilikili dahil nga makati at lalo sya kakati pg tumubo ang buhok kaya ngpluck nalang ako.so far nawala n yung mga butlig at sugat kaya lng maitim tlga.pero ok lng dala lng cguro din ng pregnancy hormones and pansin ko pgtungtong ko ng 6months umiitim nadin ang leeg ko.hehe
Magbasa papart ng pregnancy po yan bcos of ur hormones. ganyan dn ako, leeg, singit at kilikili umitim😂 tpos naglabasan yng warts ko sa muka at leeg, tadtad dn stretchmarsh , sbi ni ob sisihin ko ung hormones ko hnd nkisama😂 may ibang buntis na maganda prin kc hnd cla nagkkaroon ng hormonal imbalance
same sa nagkaroon ng warts sa leeg🥺
ako din ganyan dami nagtubuan rashes, skintag yung sobrang balat tapos nangitim talaga thank god nalang at di naman sa mukha ko makinis naman mukha kilikili lang, ilalim dede at singit ko lang tsaka leeg palibot. 36 weeks and4days nako now ayaw ni baby pakita gender nya 😁 first born ko girl..
Sana wag na rin madamay pati mukha mhie 🤧 HAHAHAHAHA
Nag post din ako nito before. They advised na mag switch ng deodorant. I switched to human nature at nag work naman. Di na nangangati and di na nag worsen yung color. Though maitim pa rin sya ngayon hopeful ako babalik din sa dati after manganak. 😊
effect po yan ng hormones natin momsh. Saka ka na lang mag skin care pagka panganak mo kasi babalik din yan. Ganyan din po sakin naging maitim leeg, singit at kili kili ko kahit gaanong skin care pa e wa effect hahah
Ako din mga mhie sa may part ng leeg naman po kaya natin to mga mamsh mawawala din po ito after manganak :) kapit lng madami talaga magbabago sa atin pero para ke baby kakayanin at okay lang po :)
Iniisip ko na lang mga mommy na sige 9 mons lang naman to ibibigay ko na lahat kay Baby tsaka na mag balik alindog kapag pwede at kaya na 😂
same sakin mie, 20weeks ako pero nung 3mos ko nag start yung subrang kati ng kilikili ko tapos nagbalat sya. ngayun di naman gaanong maitim pero makati parin.
Sa akin po kasi kahit di kamutin namumula siya parang longganisa huhu tapos umiitim na
Grabe para na siyang longganisa sa pula tapos umiitim na rin. Andaming butlig 🥺
same mamsh, pati singit umitim 😅