ultra sound

Sino po yung mga buntis na nag pa 3D ultra sound po para makita ung actual na face ng baby, at magkano po kaya ang aabutin sa ganun po. Salamat po sa sasagot.

630 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

30th week ko po ako nag pa 3D pelvic ultrasound. Advisable po ang 3D ng 28-32weeks. CAS po dapat ipapagawa namin kaya lang lagpas na daw po kami sa timeframe pang 24-27weeks lang daw po yun. We had our 3D ultrasound sa "Qualiscan OBGYN Ultrasound" located in Upper Bicutan, Taguig. 2500 php po sya. Mabait po don and sobrang linis and bago po yung pang ultrasound nila. Bali ang explanation po ng ob samen, kung nakatalikod daw yung baby di kami itutuloy sa 3D bali ang babayaran lang namin is yung normal na pelvic ultrasound which is 900 sakanila. Since nakisama si baby and nakaharap yung face nya, ayun tinuloy ni doctora yung pag kuha ng pics. Sobrang bait ng ob nila dito as in andami nyang tinake na 3D pics ng baby ko. 32 weeks na ko tom and all i can say, mas excited ako lumabas si baby kasi nakita ko kamukha sya Daddy nya napaka tangos ilong 🥰❤️ eto po pic nung 3D nila hehe P.S low quality po ata pag inupload pic dito.

Magbasa pa
Post reply image
Related Articles