3 Replies
Hello, Mommy! Ako po nanganak sa PCMC. June 2015, dun kasi ako ni-refer ng Philippine Heart Center since high-risk ako. Okay naman naging pre-natal/post-natal check-up ko sakanila. Induced labor ako mahigit 2 araw. Gawa ng pre-eclampsia. Imbis na July 1 ako manganganak. June 20 ko napanganak si baby. Painless-Normal-Delivery + Forceps ginawa sakin. Bawal daw kasi ako umire. Okay naman wala ako naramdamang sakit. Masakit lang nung nawala na anesthesia sa recovery room. Ayun ang iniiyakan ko buong araw. Haha Very hands-on sila sa pag-alaga ng baby tuturuan ka talaga. Kahit madaling araw na tulog ka, gigisingin ka ng midwife o nurse para padedehin mo si baby. Kaya puyat puyat rin ako nun. Pero okay naman at least di talaga sila pabaya. May pa-food sila 3x a day. May ibibigay rin na starter kit para kay baby. Halos 14 days din ata ang tinagal ko dun sa hospital dahil hinihingal ako kaya di nila ko pinapayagan pa umuwi. Kung sa bill namin, di naman naging ganun kabigat. Naka-less ang PhilHealth at yung Social Service. Okay naman naging experience ko kahit public sya. Maalaga ang mga nurse at doctor. Hindi ako tinatarayan. 1. Siguro kung mayron man akong reklamo. Yung pagbabawal nila mag charge ng phone sa electric sucket nila. Kaya dapat may powerbank ka dun. Mahigpit sila as in. 2. Hospital Gown , ewan ko kung natyempuhan lang ako. May putok yung gown. Kaya iritang irita ako. Ewan ko kung sa laba o ano. Wala pa naman akong putok. Haha kaya inis na inis ako. Gusto ko agad magpalit ng dress nalang. Yun lang siguro pinag arte ko. Kaya next time na manganganak ulit ako. Bibili na lang ako sarili kong hospital gown haha. Nasasayo kung mag-t-take ka ng risk kung dun ka manganganak. Pero since dun karamihan nirerefer ang mga high risk, dun pa rin ako. Naging safe naman ang delivery ko at okay ako sa alaga nila. Sa facility lang siguro rin matatakot ka, kasi public hospital yun at karamihan may sakit. Pero don't worry, sa arte kong to. Okay na okay pa naman ako. 😅 Tska safe naman yung ward, recovery room, operation room nila sa pagkaka-alala ko malinis naman at di ko naamoy na mabaho. Tanging yung hospital gown lang na binigay sakin may something. 😅 Hope nakatulong ako sa tanong mo. :) God bless!
wag doon . kulang kulang facilities nila . pag suhi baby mo papapuntahin ka din nila sa private hospital . Pamangkin ko nga pumila pa doon . emergency pa yun pero may pila . pinagantay ng matagal tapos pinapunta din kami ng capitol medical center kasi wala daw silang doctor for that emergency
sige po mam.pupuntahan din po namin. salamat po sa pagshare.
hi momsh luma natong post mo pero baka sakaling mabasa mopa mga magkano nagstos ninyo sa PCMC?
Ewan ko sis hnd padin ako makapaniwala although hnd pa naman ako nanganganak ikaw ba nanganak na?
Anonymous