Tanong ko lang po

Sino po nakaranas dito 34 weeks palang grabe paninigas ng tiyan walang hinto tapos sumasakit din balakang pa help naman po ano po dapat gawin parahuminto paninigas ng tiyan ?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

33 weeks po ako. kahapon lang check up ko at nabanggit ko kay OB na naninigas tyan ko. tinanong nya ako kung buong tyan ba daw, sabi ko parts lang ng tyan ko, di buo. kumabaga may spot lang sa tyan ko na naninigas. sumasakit naman balakang ko pag matagal ako nakatayo o nakaupo sa matigas na upuan. sabi nya sa kin, kung buong tyan ko na ang naninigas, sintigas daw dapat ng noo ko, agad ko syang sabihan pero for now nagppractice pa lang daw si baby. inform nyo po agad OB nyo lalo na kung walang hinto ung paninigas. usually po naninigas tyan ko pag nakaupo.

Magbasa pa

pcheckup ka po sa OB kasi baka nagcocontract ka na delikado at mag preterm labor ka po.