Sa mga mommies na😉

Sino po nakapanganak na sa inio? Sa mga nakapanganak po ng normal at natural ano pong pakiramdam super sakit po ba, madali nio po ba naipanganak c baby? At sa mga nakapanganak naman po ng normal pero nagpaturok ng epidural (painless) ano pong pakiramdam noong tinurukan po kayo? Gusto ko lang po malaman malapit na po kasi ako manganak may sched po ako ng birth plan nextweek pero nagdadalawang isip pa din ako kung magpapainject ba ako ng epidural o hindi. #pleasehelp #firstbaby #1sttimemom

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy. I experienced both CS (actually emergency CS w/ epidural - induced labor) with my first pregnancy and then natural/no medication (VBAC) with my second pregnancy. If mataas pain tolerance mo mommy like me feeling ko kaya mo vaginal/natural birth without epidural. And based on my own experience mas better sha since ang bilis ng recovery after giving birth. The thing with epidural more-so if induced labor din is dahil numb ang feeling mo nagiging somehow challenging ang pagpush ng baby palabas which increases the risk of you needing intervention like CS which happened to me. Matagal din almost 2 months ang complete recovery ko with CS before ako nakabalik to doing my BAU tasks. Birth plans by the way are really great. It’s good that you are going to create one. I suggest you take a look into the hospital as well where you will give birth to make sure they honor as much as they can sa birth plan that you have (of course with consideration sa magiging situation during your delivery as well). Hope everything goes well with your delivery mommy. ☺️

Magbasa pa

Mababa pain tolerance ko kaya few cm pa lang ramdam ko na talaga yung sakit. Sa case ko sa 3rd ko (7y/o na siya), dahil 3rd na sabi ko sa ob ko kakayanin ko hindi magpainless but after more than one hour na active labor as in no interval na ung sakit nastuck lang siya sa 6cm at sobrang sakit na dun na ko nagrequest na magpainless. Still, may pain pa rin talaga. Ang maganda lang dun is hindi ako halos nakaramdam ng pain after giving birth, mas magaan pakiramdam ko. Unlike sa bunso ko now na normal din pero hindi painless, more than 2 weeks ko siguro ininda ung pain after giving birth. Kung mataas ang pain tolerance mo, kahit palabas na baby konting pain lang mararamdaman mo. Yung asawa ng bayaw ko 8cm na hindi pa rin niya ramdam.

Magbasa pa

ako tinurukan ako sa likod painless pero normal naman ako nanganak.. yung pagturok sa likod di naman masakit eh.. kaya lang after mo manganak masakit sa likod ngalay ganon di ka makatayo ng matagal kaya need mo talaga uminom vitamins ng calcium... pero after weeks okay naden likod mo... pag nagpa epidural ka ganon den naman eh maglalabor ka den.. syaka lang naman nila ituturok yun pag nakapa na nila si baby malapit na lumabas tapos last ere mo ayon dun ka tuturokan bale di mo mararamdaman yung paglabas ne baby at pag hiwa at pagtahi sa pempem mo..

Magbasa pa
VIP Member

mapa normal or CS mo mahirap pero super worth it. Sabi ng iba madaling manganak masakit at mahirap mag labor ung iba matagal maglabor minsan araw. Meron ibang 1st time mom mabilis lng maglabor ung iba matagal naman. Depende pa rin yan sa pain tolerance mo mismo. Pero lagi mo tatandaan samahan mo palagi ng dasal at palagi mo kakausapin si baby.

Magbasa pa

Normal, no epidural. 6 hours of excruciating labor pain. Pero in fairness, mas mabilis ngayon kaysa sa panganay ko. Nadaan sa squat para mas mabilis bumaba at lumabas si baby. On top of 6 hours labor, 2 minutes lang lumabas na. 😂 Baka mas napaaga pa kung walang nakaharang na p**p noon.

Kung sa paglalabor lang wala ka talagang masabi, natural lang na sobrang saket kaya mas maganda tagtagin mo na sarili mo mamsh sa paglalakad para mabilis kang manganak. 3 weeks palang ako nanganak, sa sobrang tagtag ko ang bilis kong naipanganak yung baby ko via normal delivery.

3y ago

Nako mamsh nung 7-9 months ako nagsimula na kong maglakad lakad then nag open agad cervix ko, nagwowork kase ako nung time na preggy ako and sa field yung work ko, nakatulong talaga yun kaya di ako nahirapan. Tiyaga lang talaga sa stage na 7-9 months pero wag madiliin na lumabas si baby.

ako sa awa ng panginoon i had no pain nung nag labor ako. dun lng ako nahirapan sa pag iri! grabe halos maubos lakas ko nun sa kakairi. pro salamat prin sa Diyos nakaraos nman ako at ligtas nman ang baby ko. #firsttimemom #firstbaby

I think depende din ang hirap o sakit kung gano kalaki si baby. In my experience nung nanganak ako maliit lng talaga baby ko kaya mabilis lang at di ako pinahirapan ni baby. 1hr labor, 30mins baby out. Mas masakit pa yung labor.

Mas masakit ang labor momsh like me 17hrs ang labor ko tapos induced pa kaya torture talaga..pero yung paglabas ni baby hnd mo na ramdam yung sakit even ung pagpilas sa pempem..Goodluck momsh and have a safe delivery 🙏

VIP Member

to the nth level po ang sakit. lalu na po during labor. nsd.po ako as advise ng ob ko po ayaw po niya ng epidural as gentle birth advocate. kinaya naman po pero sobra po ang sakit. as in grabe po.