Newborn Face Rashes
Sino po nakakaalam kung ano nangyari sa face ng LO ko po?? 15 days old na po sya ngayon. Bigla nalang po lumabas yan nung Sunday morning tapos po padami ng padami. Nagpa-pedia po kami kahapon and wala naman po nabanggit kung ano yan. Basta po niresetahan kami ng HYDROCORTISONE cream. Nag-apply na po ko sa LO ko once kanina pagkaligo nya and amoy goma po yung cream. Nakagamit na po ba kayo sa LO nyo ng cream na HYDROCORTISONE? And may nakaexperience na po ba sa inyo na nagkaganito LO nyo? Never pa po namin sya hinalikan sa face and everyday din po ligo nya. Wala po syang ganyang rashes sa katawan. Sa face lang po. Salamat po sa sasagot. FTM here. P.S.: Yung last photo po yung before nya
Nung ako po sa dalawa kong anak breastmilk po. I squeeze mo milk from your breast with cotton then yon po pang punas nyo. Effective po. Yon ksi sbi ng mga matatanda.
Nagkaganyan din baby ko and baby ng sis ko. Normal daw po ito, mawawala kusa. This is caused by maternal hormone nung nasa tummy pa lang sya :) Hope this helps.
Try mo oilatum mommy.260 pesos sa watsons, bar soap siya prescribed ng pedia namin and after 3 days of usage naglighten and dry na ang rashes ngayon pawala na siya.
Naku mommy. Try mo muna ang breastmilk tapos maghugas muna ng kamay bago hawakan si baby. Tiis tiis muna.
Normal yan mumsh basta everyday bath mawawala rin..ganyan din kasi nangyari sa LO ng friend ko..buti si LO ko sa awa ng Dios wala naman..wag naman sana π
Yes hydrocortisone reseta sa baby ko noon effective naman. Wag nyo na po muna sasabunan face nya water lang mas ok kung distilled water gagamitin panglinis.
Wag nyo po muna sabunin ang mukha yan advice sakin ng nurse na nagpapaligo k baby after delivery. Cotton with distilled water lng pamunas sa mukha ni baby.
Wag ka muna kumain ng dairy products (itlog, manok, butter, yogurt, ice cream, cake etc. kasi baka allergy sya sa kinakain mo kung nagpapadede ka ha.
Nagpalit kami ng milk ni lo. Per pedia allegic reaction sa gatas. Kaya ngswitch kami sa lactose free. So far nawala ung rashes nya after switching
try nyu po lagyan ng breastmilk nyo, c LO kpag kc my namumula na tumutubo sa knya, nlalagyan ko lng ng milk, den yun nwawala after a day or two.
baby acne po yan...nawawala din po yan...nag ka ganyan din baby ko nung mag 1months sya ginamit ko sa kanya ay lactacyd baby bath....effective
Mama bear of 1 sweet cub