Newborn Face Rashes

Sino po nakakaalam kung ano nangyari sa face ng LO ko po?? 15 days old na po sya ngayon. Bigla nalang po lumabas yan nung Sunday morning tapos po padami ng padami. Nagpa-pedia po kami kahapon and wala naman po nabanggit kung ano yan. Basta po niresetahan kami ng HYDROCORTISONE cream. Nag-apply na po ko sa LO ko once kanina pagkaligo nya and amoy goma po yung cream. Nakagamit na po ba kayo sa LO nyo ng cream na HYDROCORTISONE? And may nakaexperience na po ba sa inyo na nagkaganito LO nyo? Never pa po namin sya hinalikan sa face and everyday din po ligo nya. Wala po syang ganyang rashes sa katawan. Sa face lang po. Salamat po sa sasagot. FTM here. P.S.: Yung last photo po yung before nya

Newborn Face Rashes
115 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

baka may na kiss sa kanya sis ng may balbas, ganyan yung baby ko pag nadidikit yung balbas ng daddy niya e. tapos ginagawa ko lang e kuha ng bulak tapos nag pipiga ako ng milk sa dede ko tapos pinupunas ko sa kanya nawawa naman siya.

Breastfeed mo po ba si baby? Try mo po punasan gamit gatas mo po. Kasi ganun po ginawa ko sa face ng anak ko nung may nakita akong parang rashes pero kaunti palang po naman yun tas pinunasan ko ng gatas ilang days lang wala na po

VIP Member

Momsh ako sabi ng pedia ni bby di daw totoo yung bf mo papahid sa face ni baby, especially pag allergic si baby sa kinakain mo tpos nadede nya then ipapahid mo bf mo, elica momsh once ko lng ngmit okay na face ni lo

Hi mommy.. sakin po nag.advice ang pedia dr na paligoan twice a day si baby morning and hapon then yes, she prescribed hydrocortisone lotion, very effective sa lo ko.. nipis lang yong pagkalagay

Ganyan din po nireseta sa baby ko. 2x a day nyo po lagyan after maligo or mapunasan patuyuin muna yung skin bago lagyan tapos sobrang nipis lang po lagay ng cream. 2-3days nawala po rushes nya.

gatas mo lng yan every morning bago paliguan then wag mo papakiss s asawa mo n me balbas o bigote or ikaw wag mo lge kiss ubg pisngi ksi sensitive p balat bg baby s kamay o paa lng muna kiss

baka po allergy yan. wag ka kumain ng malangsa. ganyan saa pamangkin ko. may binigay na ointment and si mommy hindi na pinakain ng mga malalangsa (if breastfeeding kayo)

Tali nyo po mga buhok nyo pag lalapit kay baby ganyan din po nangyari sa bunso namin e, nakaka kati po yun sa kanila and wag po hahawak sa baby at kikiss ng di nag a alcohol.

Nag k ganyan din baby ko pero d gnyan k dami ginagawa ko warm water at cotton wash ko face nya kusa din po yan mawawala basta huwag lng po galawin at iwasan makamot ni baby.

VIP Member

Hi ma normal po siya sa newborn pero para makalma po kayo pacheck niyo pa din sa pedia niya to give him medication nagkaganyan din si LO ko last week ok na ngayon. :)

Related Articles