Obimin plus
sino po nagttake nito? karereseta sakin today ng OB ko to. Morning ko tinake first dosage ko, ngayong hapon nagsusuka naman na ako tapos sumakit ulo ko. 16wks napo ako. Naranasan niyo rin ba to? Ano ginawa nio po? TIA..

sumasama pakiramdam ko pag uminom ako niyan, malakas ata talaga yang gamot na yan. iniinom ko yan pag lunchbreak, para maka-idlip ako. minsan naman sa gabi na lang bago ako matulog. in short, dapat makaidlip or tulog ako pagkainom ko niyan 😅
same here obimin ang tinitake KO since nalaman kung buntis ako. till now ito parin iniinom KO I'm in my 35 weeks na po. maganda po sa brain ng baby tyaka para dn sa mommy take it before going to bed ferrous dn yan kaya it helps u sleep well.
Dati nasusuka din ako pag umiinom nyan. Pero tnry ko itake yan ng walang laman chan ko ayun hndi na ako nasusuka :). mga 1-2 hrs after ko kumaen tska ko tinatake, minsan 1-2 hrs before kumaen :).
Ako po tinatake ko sya every lunch time. Kalagitnaan ng pagkain ko para di ako masuka :) ganyan din at first ang laging nagyayari sakin pag yan lang iniinom ko ee. Try nyo po isabay sa meal :)
madalas ko maisuka yung obimin plus. minsan sinasabay ko ng inom sa maternal milk, juice or sa isang med na pinapainom sakin. ang goal ko ay hindi siya malasahan para hindi rin ako masuka
sabayan mo ng kain mommy.. ako din nasusuka nung una.. pero naging ok din nmn po... kain po muna kayo bago uminom tas wag nyo sabayn prutas after an hour nlng kainin..
ako sis naranasan ko yan pro advice sakin ng ob ko kumain dw ako ng saging after kong itake ung gamot pra di ko dw isuka. effective naman sakin
natetake din ako nyan mamsh, after lunch naman pinatake saken ng ob ko. at di naman ako nasusuka. mas nasusuka pa ko sa lasa ng anmum haha.
same scenario. kaya ang ginagawa ko po kakaen muna ako mag take ng obimin tas kaen ult after. wag ko lang syang malasahan
ako nmn nasusuka ako s laki ng gamot n yn...balak ko mya s check up ko ipachange ko kc hirap ako lunukin yn...pde kea un
Dreaming of becoming a parent