naglikihi sa partner?
Sino po naglilihi sa mga partner nila? ? ano po feeling nyo tuwing hinahanap nyo sila? Tapos pagpanganak po? Ano po nangyari? ? survey lang po hehe
pag papasok sya sa work namimis ko sya pag uwi naman nya sa gabi niyayakap ko talaga sya, tinititigan ko ilong nya kase matangos pero maya maya nabubwisit na ako sa kanya inaaway ko na sya ng walang dahilan hahahaha.. buti sya pasensyoso kamukha nya baby ko..
ako sukang suka ko saknya lagi ako galit lagi ko inaaway bahong baho ako basta asar na aasar ako dumating ako sa point na ayaw ko sya mkita o makatabi wala sya magawa naiiyak nalang sya hahaha ..pero ayun pag labas ng baby namin kmukang kamuka nya hahahaha
Hindi ko alam po kung pinaglilihian ko sya pero from 1st month until now lagi na kami magka away dati naman hindi. 😂😂 Btw im 5 months pregnant 😊 buti na Lng mabait si hubby di ako pinapatulan. Ultimo cartoons sa youtube pinagsesellsan ko😂😂
I remember kinailangan nya pang pumunta sa work kasi naiiyak na ako nung tumawag dahil gusto ko sya makita 😂😂😂 Pagkakita ko, "sige na balik ka na sa work mo" 😂😂😂 gumaan pakiramdam ko bigla 😂 Pagkapanganak, back to normal 😁😁
Magbasa pa38weeks preggy til now naglilihi parin ata ako sa partner ko lage ko pinagseselosan mga barkada niya at gusto gusto ko lage ko siya makita at ayoko makipag kwentohan siya sa barkada weird lang masado 1st time mom ko rin hehe ano kaya resulta pag ganon
ako di ko sya inaaway. lagi ko sya,namimiss. gusto ko lagi sya inaamoy. gustong gusto ko amoy nya kahit di pa sya nakakaligo. guato lagi sya yakap. pero buntis plng ako at kabwanan ko plng ngaun. maging kamuka kaya nya si baby? baby girl po pinagbubuntis ko
Naaamoy ko na kaagad yung amoy niya kahit malayo siya... Yung mga damit niya nababahuan po ako... Naiinis ako sa kanya, ngunit kapag wala siya hinahanap hanap ko.Inaaway ko siya, tapos ayoko na umaalis siya, gusto ko tabi lang kami palagi
Ako noon gusto ko sya palaging kasama tapos pag nanjan na naiinis na ako sakanya😂. Palagi ko din syang tinititigan pag natutulog kaya ang ending kamukhang kamukha nya yung anak ko😅 para ginawa lang akong daan e.😅
Actually ako naman yung maputing hita ng husband ko lang ang napaglihihan ko. Gusto ko kinakagat at panggigilan kasi ang puti. Okay naman naging anak namin. Cutie pie at gwapito yun lang hindi kasing puti ng hita ni hubby
13weeks preggy pinaglilihian ko din si hubby gusto ko siya lagi kasama tas palagi niyayakap at kinikiss sa leeg hahaha. hilig ko din siya pag masdan pag tulog gwapong gwapo ako sknya ewan ko ba! Hahahaha 😂😂
ako din gnyan ngaun
excited first time mom