βœ•

34 Replies

VIP Member

Strict parents ko, it maybe hard for them at first but it's much better to tell them as early as possible. 18 lang ako nung nabuntis ako ng bf ko/hubby ko non. Without my permission pumunta sila sa bahay namin kasama parents nya at kinausap parents ko. Syempre nabigla parents ko nung una pero eventually wala na rin naman silang ibang choice kung hindi tanggapin. Kaya ang ginawa ko dahil nadisappoint ko sila noon at napaiyak ko mama ko sa maagang pag aasawa ko, bumabawi ako ngayon sa kanya. Though mabuting anak naman ako noon (pumag ibig lang) mas naging mabuting anak ako sa kanya ngayon. Yung mga pakisuyo nya hanggat kaya ko ginagawa ko, kapag may pupuntahan sya like check up, mag ggrocery, or may bibilhin ba medyo malayo sinasamahan ko sya (kasama ko anak ko) I spend more time with her para makabawi saka tumatanda na rin sya kaya gusto ko makita nya na kahit nagkamali ako noon, andito ako at bumabawi para sa kanya. Sobrang bait kase nya, I think I dont deserve her but I want to show her how really important she is to me. Kaya ngayon close na close kami.

Kaya mo yan mamsh lakasan mo lang loob mo. Ganyan din ako strict ang parents ko. Sa tatlong magkakapatid ako lang nag iisang babae at bunso pa, ako nalang din ang nag aaral kasi yung panganay nag asawa na at yung pangalawa working na pero hindi nakapagtapos, ako nalang inaasahan ng mga magulang ko na makakapagtapos pero wala eh nabuntis ako at the age of 19 at 1st year college pa lang ako non kaya nung una sobrang hirap at hindi namin alam kung papano sasabihin sa parents ko pero nilakasan ko lang loob ko non inisip ko baby ko ayoko na siya itago. Sa una nagalit sila syempre pero natanggap din nila. Ngayon suportado na sila sakin lalo na sa apo nila hehehe nung naglilihi ako halos masasarap na pagkain binibili ng mother ko lagi ako pinapa alalahanan na alagaan ko mabuti si baby sobrang nakakatuwa kasi kahit na ano mang pagkakamali ang nagawa ko sakanila andyan parin sila sa tabi ko para gabayan ako at ang baby ko. Lakasan lang ng loob mamsh isipin mo si baby.

Sabihin mo na po. 17 y.o and 38 weeks na po akong preggy. 6-8 months na po si baby nung nalaman nila. di po kasi ganon kalaki ang tyan ko pero nakakapang hinala na buntis nako nun. At first, kala ko po di nila tanggap. pero bago ko pa po pala sabihin na buntis ako, alam na nila dahil halata daw po. Masakit pong makita na umiiyak sila sa harapan ko but they keep on reminding me na blessing si baby. Siguro kaya naging okay din kasi tinake naman ng bf ko and parents nya yung responsibility. Simple lang buhay namin syempre paminsan eh nahihirapan kaya talagang nagworry ako about sa kalagayan ko. Kung nagaaral pa po kayo, tuloy nyo lang po. Ako po kasi magaaral pa this June kung manganganak ako ng maaga. Sabihin nyo po sakanila na hindi hadlang si baby sa pagaaral nyo po (kung nagaaral pa po kayo hehe). Gawin nyo nalang po syang inspirasyon. Matatanggap po ng papa nyo yan. Mahal po kayo nyan at di nya po kayo kayang talikuran. Goodluck and God Bless you po 😊

Ako super strict ng parents ko as in, simula pagkabata hanggang sa nkagrad aq at nag kawork, ganun padin sila ka strict. Pero ok naman skanila na may boyfriend ako. And plan na talaga nmin magpakasal since 26 na kme ,pero nauna si baby ng di nmin inaasahan so natakot aq nung una kasi aq lang ung ganun sa aming magkakapatid, at sabi ng papa q noon pag nabuntis daw kme ng nd pa kasal,hindi nya daw matatanggap, halos puro babae kasi kme, isa lang lalaki at 2 nlang kme ng bunso ang walang asawa. Pero nung sinabi nming dalawa sa mama ko,l,hindi ko inaasahan ung reaction nya, umiyak kasi aq tapos tinawanan lang aq and tinanong nya na yung plano nmin, dhil nasa tamang edad naman na kme at boto talaga sya sa asawa ko, even my father accepted it with an open heart nagyakap pa kme ng papa ko that time. So npaka thankful ko dahil ganon ang pagtanggap nila.

Akala ko nga itatakwil nila aq nun pag sinabi na namin, pero sabi nila hindi naman sila gabun kahit gaano pa sila ka strict. Yung word kasi ng papa ko nun na pupugutan daw kme ng ulo pag nagpabuntis kme ng hindi kasal (exagerated kasi papa ko minsan), pero nakita ko talaga qng gano nila aq kamahal dahil wala man lang aq nakitang discouragement o condemnation sakanila, as in pure na pagunawa at pagmamahal lang. Pati sa mga kapatid ko as in nkakagaan sa pakiramdam.

Me i have a strict parents as is sobrang strict pero natanggap din nila kasi andito na e. Saka if your family really loves you, matatanggap at matatanggap nila yung nagawa mong mali even if nadismaya at nawalan sila ng tiwala. Papatawarin ka rin nila, not now but sooner kasi mahal ka nila. Sa una lang yan magagalit especially kung unang apo ka din like me. Maraming expectations na inaasahan sayo pero handa nilang kalimutan yang expectations nila from you para na din sa ikakabuti mo at sa baby 😊 17 yrs old na po ako at dismayado pa din sila pero tanggap na nila 😊 handa naman ako harapin sa responsibilidad na nagawa ko.

Strict mama ko. Dati lagi nya sinasabi na wag kami magpapabuntis at mag aral mabuti and magwork. Sobrang strict ni mama samin na bubugbugin nya kami pag may ginawa kaming di maganda. Pero nung nalaman naman nya na buntis ang kambal ko at ako natanggap naman nya agad hindi nya kami pinagalitan. Tinanong nya lang kung nakapag pacheck up na ba. Parents natin yan maiintindihan naman tayo syempre apo din nila dinadala natin. Ayaw din siguro kami mastress kaya oks lang kay mader. Matatanggap din nila yan. Ngayon 4months preggy na ko and kakapanganak lang ng kambal ko at the age of 20😊

VIP Member

Strict parents ko eversince.me mga ate ako na naunahan ko mag asawa.dati bisyo ko magwork at gimik,kala nila sken tomboy.nalamn ng tatay ko buntis ako,kala ko papalayasin ako.pero unang tanong sken ano daw gusto ko kainin.isa lng hiling nya non sken,pkilala ko ama ng anak ko.then afterwards natanggap nya n kmi.kht wla work asawa ko.usap sila dlwa,ipinaubaya nya ako.bsta wag lng mananakit.kasi never kung nkita parents ko nagaway ng me skitan..Now very proud grand parents sila sa mga apos nila..now mas naappreciate nmen sila sa walng sawa pagmamahal at pagunawa.

super strict po ang parents ko kaya una palang tutol na sila sa'min ng bf ko. Pero nung kinausap ako ni mama ayon pinauwi niya bf ko from manila to our privince hanggang sa nag stay sya dito sa amin medyo matagal din. Ayon maraming nakagalit si mama kapatid niya at parents ni mama dahil sa pagpapatuloy sa bf ko. Pero ayon last week, nag pt ako and it turns out na positive nga sya. Ngayon hindi ko alam papaano ko sasabihin sa parents ko 😭 Sigurado mahihiya sya sa lahat. 21 palang ako, nag aaral pa. Plano sana namin ni bf umuwi ako don sa Manila.

VIP Member

Pareho tayo, 27 na ako at hindi ko alam kung pano sasabihin sa magulang at mga kapatid ko, pero nung nakaraan at nag aayos na ako ng SSS ko sinabe ko na sa mama ko di sya nagalit pero nalungkot sya kasi di ako papanagutan ng ama ng anak ko, ang mahirap pa dipa alam ng mga kuya ko na buntis ako . lima kami mag kakapatid at solo akong babae bunso pa, kaya nahihirapan ako kung pano ako mag sasabi sa mga kuya ko . matatanggap naman nila yan wala sila magagawa, pero kung magalit man sila tumahimik na lang tayo at tanggapin ang sasabihin nila .

VIP Member

Ako momsh . Laki sa grandparents . Yung lolo ko eh sobra nya akong inispoil kaya nung nalaman nya na mag aasawa na ako at buntis ako pramis hindi nya ako kinausap . Yung lola ko lang talaga ang pumapasyal sakin o kaya lagi ako tinatawagan . Medyo masakit pero kailangan mo tanggapin kc nga na disappoint mo sila . Saka nya lang ako kinausap nung nalaman nyang nanganak na ako . Tas ramdam kong nag alala sya at naiyak . Dun ako na relieve na kahit pano diba sa kanila nang pagtatampo nya pag nag alala sila sayo , sila rin unang magkukusa .

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles