Weird ?
Sino po dito yung Maselan at may pagka weird din ang paglilihi. I'm not a first time mom though, napaka weird lang sa pagbubuntis ko ngayon. Marami akong ayaw compare sa unang paglilihi sa panganay ko. Super hate ko ung amoy ng fabcon. Any fabcon at kahit amoy ng sabon at shampoo ? isama mo narin dyan ang katamaran kong maligo. Amoy ng pritong tuyo, kape at pancit canton. Trigger agad ako pag nka amoy nako ng kahit alin dyan. As usual duwal dito suka dun. Jusko. Kahit tubig nalang laman ng sikmura ko ganun parin ang nangyayare. Hirap na hirap nako. Anhin ko nalang ung 4 months na tyan ko maging 9 months na para manganak nako ? any advice or comment mga sis?.