27 Replies

Ang hirap pag nanay ka na pero wala kang sariling bait, kung ano sabihin sayo susundin mo without doing further research kung makakabuti ba sa anak mo o hindi. Nanay ka na eh, dapat marunong ka mag isip para sa anak mo mag effort ka man lang na dagdagan ang kaalaman mo. Tapos pag may nangyari sa anak mo popost ka dito, help po yung anak ko kasi di na tumitigil sa pagdumi etc etc. To answer your question, No. Walang gumagaya at gagaya sayo dito kasi alam namin na for the first 6 months of life ng baby wala siyang ibang kailangan kundi gatas mula sa ina or formula. At yung honey, di yan pwede sa baby na wala pang isang taon pataas. Di porke FTM ka magiging mangmang ka, ang daming FTM dito pero nag eeffort sila magtanong at magresearch kung ano ang pwedr at hindi pwede sa anak nila kasi ingat sila na baka maipahamak nila anak nila. Good luck sayo ate girl, sana walang balik sa health ng anak mo yang ginagawa mo.

I agree. FTM din ako pero di ako dumedepende sa sabi sabi lang.. Mababasa mo rin nman dito sa apps na asianparent ang mga bawal at pwede sa baby..

VIP Member

Mommy Rose,may reason kung bakit hindi inaallow ng pedia na bigyan natin ng honey at water si baby. Tingin mo ano kaya yon? Syempre ibig sabihin po may masamang epekto,okay? Hindi naman yan ipapagbawal ng doctor dahil trip lang nila ano? Kung healthy talaga yan para sa bata,sila na mismo mag aadvise na bigyan mo ng ganyan anak mo. Kung pinainom ka ng mother mo ng honey noon at tingin mo e wala namang epekto,tingin ko meron. Ang epekto sayo is you can’t think straight now🤦🏼‍♀️( I’m being sarcastic here). Wake up before it’s too late. If you don’t want to believe the doctors,I really hope you won’t come running after them kapag may nangyari nang masama sa baby mo. Ipagamot mo po sa lola at nanay mo,wag sa doctor. Tutal mas magaling ata sila🤷🏻‍♀️ Good luck

no water or any liquid aside from milk ang pwd bsta wala pang 6 months ang baby. Pedia na mismo nagsabi. Mas may alam sila kesa satin kaya sundin nalang. FTM ako but I did a lot of research and asked a lot of questions sa pedia namin to make sure na qng ano pwd at hindi pwd kay baby. Nung buntis pa ako sabi ng MIL and FIL ko dapat pa inumin kahit konting tubig ang baby but I did my own research and sinabihan ko sila na hindi pwd and eventually bung nanganak ako, bago kami ma discharge sinabihan na kami ni pedia na hindi pwd kahit ano except milk bsta below 6 months pa c baby.

Actually ako po pinapainom ko ng water si baby ko below 6months after nya lagi dumede. (but in moderate ung saktong sakto lng) and Praise God sobrang lusog nya 7months sya today and never po syang nilagnat since before pag na inject po sya sinat lng po and D'other day ok na po sya and since birth pinapainom ko sya ng water kahit sa drops lng nung vitamins nya. siguro kanya kanya lng po tlga tayo ng way . Pero lahat naman po siguro tayong mommy is ung gusto is ung makakabuti kay baby. pero ung honey not sure about that ksi for sure may chemical na po un eh.

VIP Member

Minsan kasi kung ano yung nakasanayan, yun na yung sinusunod. Iba na po ang panahon ngayon momsh kumpara dati. Sabi nga nila “your child, your rule”. Kung alam mo po na makakasama yun kay baby sabihin mo po sa kanila kasi kapag nagkasakit naman ang baby (wag naman sana) ehh ikaw naman po gagastos hindi sila. Napakalawak po ng google o iba pang app na pwede nating iresearch para sa mga pwede at bawal sa isang new born...

Hayaan niyo na mga mommies. Mas naniniwala sya sa lola at tita niya kesa sa "pedia". mas matalino e. edi hayaan niyo na. Pinangangalandakan ngang 3x a day mag poop baby nya e. which means, healthy daw. EDI OK! 😂 WAG NG PANGARALAN ANG TAONG MAY SARILING PANINIWALA. anak naman niya yan. Kaya sayo Rose, bahala ka. Wag ka maniwala sa pedia mong nag aral ng nakapakatagal na panahon. Ok lang. Anak mo naman yan. 👍🏻

Nastressed ako sa kanya mie, naawa ako dun sa bata.

pwede na po pala painumin ng water ang baby on the first month? base kasi sa mga nababasa ko 4-6 months pa dapat mag start painumin ng water.. → your baby is under 6 months old, they only need to drink breastmilk or infant formula. From 6 months of age, you can give your baby small amounts of water, if needed, in addition to their breastmilk or formula feeds.

yep, yun din nabasa ko. kaya medyo nagtaka ako na 1 month pa lang pinapainom na ng water...

VIP Member

Di pa ako buntis alam ko na na hindi pwede sa baby ang honey pag wala pang 1 year old kasi nabasa ko yan sa isang article may namatay na baby 6 months pa lang pinainum ng honey. At dito ko naman nalaman sa app na toh from fellow mommies na hindi pwede ang water sa baby pag wala pang 6 months. Take time to read sis. Ang daming sources pag in doubt ka.

Ngayon nakikita mo ok pa si baby pero after few weeks or baka days lang, makita mo na side effect ng honey with water. Totoo naman na healthy po yan pero hindi sa baby momshie. Pinainom din ako nyan nung bata ako pero grade 1 na po ako nun. Bawal sa baby yan. Nako nako. Mag ready ka na kapag naospital yang anak mo.

naku mommy itigil mo na yang pagpa2inom ng honey water sa baby mo.. delikado yan pra sa knila.. hindi po porke't ginagawa dati ng mga lola at tita mo ay ga2win mo n dn dhil akala mo tama.. alam mo nman siguro gumamit ng google..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles