Sino po dito maagang nabuntis? Ano pong mga trials na encounter byo dahil sa maagang nabuntis?paano nyo po na solve?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ako maagang nabuntis, in my 30s na ko nagka-anak. But I can relate with needing a good support system habang buntis at lalo na pag nanganak na. Whatever age, kailangan ng babae ng maraming support - physically, mentally, emotionally, financially. Yung naging pinaka-challenging sa kin ay yung emotional support sa work. Mahirap kasi pag hindi magulang ang boss mo - hindi sila nakakaintindi na ang hirap mag-balance ng trabaho at pag-aalaga ng sanggol. Kaya hindi rin ako nakatagal sa trabaho. After almost a year, I quit at nakahanap naman ng employer na mas flexible.

Magbasa pa

I didn't get pregnant at a young age. But, two of my cousins maagang nabuntis. They were both in their teens pa lang so it was really a struggle because they had to stop school. Yung isa, nakatapos na and yung isa is working on getting her college degree. I think the best key to solving the problem is being brave enough to face it and being resilient enough to keep going despite the struggles financially and emotionally. Maganda rin to have a solid support system--be it family or friends--to help you get through all the challenges. You can't do it alone.

Magbasa pa

Ako po 18 yrs old nagbuntis sobrang challenging ang sitwasyon kasi ayaw ng parents ko sa asawa ko dati yung husband ko nasa saudi na ngayon as draftsman tapos yung anak ko 7 y/o grade 2 ako nag aaral ulit habang nagmamanage ng store sobrang thankful namin sa parents ko kasi full support sila kaya hindi ramdam ang mga challenge maliban nalang sa minsan pagloloko ng lalake hindi maiwasan sa maagang pag aasawa madalas may nagloloko pero after trying hindi naman na niya inulit so far ok naman po ang lahat saamin

Magbasa pa

30 na po ako ng magka-anak pero naiisip ko na if sa akin nangyari ang maagang nag buntis, tingin ok po ay financial talaga ang problema kase mahirap maka hanap ng maayos na trabaho ang under graduate. Isa pa is time. Mahirap pag sabayan ang pagiging Nanay, Pag-aaral at lalo na kapag sasamahan mo pa ng pag ta-trabaho. Kaya may isang bagay doon na i-gi-give-up ka talaga. Kung full-time nanay, nakaka-hiya man pero aasa tayo sa tulong ng mga magulang natin at tulong ng magulang ng ama ng anak natin.

Magbasa pa

I have a lot of college batchmates na maagang nabuntis, who got pregnant as early as first year. I was so shocked that time kasi halos every sem, 2 ang nabubuntis sa batch. But now, after 13 years, nakikita ko sila, they're all successful and naka graduate sila lahat. In fact, may masters degree pa nga ung 2. Nasa perseverance mo lang din yan na ma achieve ang goals mo sa buhay.

Magbasa pa

Sa tingin ko ang pinaka matinding isipin kapag maagang nabuntis ay kung papaano mo bubuhayin ang anak mo at paano ka makakatapos sa pagaaral. Mas matindi kapag yung lalakeng nakabuntis ay ayaw managot. So parang doble dagok. Pero blessing yan kaya kahit anong mangyari ay itataguyod mo ang anak mo. More likely, ang suporta ng pamilya mo ay andyan kaya kakayanin pa din.

Magbasa pa
7y ago

Sakit nun. Ayaw panagutan. Kung ako yan, hinding hindi makikita nung lalakeng yun ang anak nya. Ever.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-14753)

Yung mommy ko na delay ng 2 years sa college dahil sa panganganak sa akin. Pero nakapag tapos naman at naging CPA pa.