Single Mom
Sino po dito ang piniling maging Single Mom na lang kaysa makasira ng pamilya dahil ang nakabuntis sa kanya ay may asawa? No judgment po Mamsh, share lang ng experience niyo paano niyo hinandle yung situation..

Sa akin naman ang alam ko hiwalay na siya sa nanay ng mga anak niya. Di sila kasal kaya tinanggap ko siya kasi I have nothing against naman sa mga single dads. Kaso nung nabuntis ako, hindi niya tinanggap ang baby namin. Dumating din sa point na pinagdudahan niya na siya ang tatay ng baby ko. At ang mas masaklap pa, pinapalaglag niya ang baby namin dahil hindi pa siya handa, kesyo magkakaproblema daw siya sa side nung ex niya. Pinabarangay ko siya kasi ayaw niya makipagkita sakin para pagusapan na lang yung sustento niya. Tapos malaman laman ko na parang nagkabalikan na sila dahil asawa na ang tawag niya sa ex niya at kasama pa niya nung pinatawag kami sa barangay. Tinanggap ko na lang nangyari sakin kahit na mahirap mag-isa. Marami naman ang sumusuporta sa akin maliban sa tatay kong tinakwil ako dahil sobrang nadisappoint siya sakin. Ang iniisip ko na lang, mabuti na lang nilayo ako ni Lord sa taong katulad niya.
Magbasa pa

