Single Mom

Sino po dito ang piniling maging Single Mom na lang kaysa makasira ng pamilya dahil ang nakabuntis sa kanya ay may asawa? No judgment po Mamsh, share lang ng experience niyo paano niyo hinandle yung situation..

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, share ko lang story ko. Na meet ko yung tatay ng anak ko sa grad school. He was engaged and was about to get married kaya sabi ko nalang sa kanya hindi ko guguluhin ang buhay nya at mga plano nya. Sinabi ko lang sa kanya that I was pregnant with his child. And ang lagi lang nya sinasabi na hindi nya alam ang gagawin. At na hindi nya kaya mag sacrifice. Ni ayaw nga nya makita ultrasound ng anak nya. Alam kong mali ako, nilagay ko sa kamay ng maling tao ang puso at tiwala ko. Pero I have to step up and be mature and do the right thing. Supportive naman ang family ko at mga true friends ko. Sabi nila pahalagaan ko ang mga tao na mahal ako. Hindi ko na hinabol at hindi pinilit pa ang sarili ko sa tatay. Naginh tanga na ako, at hindi na mag papakatanga pa sumingit sa buhay ng taong ayaw ka naman maging parte ng buhay nya. Ang dami kong fears. araw araw ako umiiyak dahil ang sakit ng puso ko. Pero this is reality. I have to face it along with the consequences of my actions.

Magbasa pa
6y ago

Sabi ng nanay ko if ever mag tanong ang anak ko in the future is to tell tge truth. Ipakita ang picture kung meron. Right din naman malaman ng bata ang totoo. Part yun ng development nila. Sasabihin ko din na iba ang buhay na pinili ng tatay nya. Buy I will reassure my kid na ndi nya kasalanan yun. I will love my child double or even triple fold para ndi nya maramdaman na may kulang sa buhay nya.