Pwede ba magpagupit ang buntis? (Pamahiin)

Gusto ko sanang magtanong kung sino dito ang natry nang magpagupit ng buhok habang buntis? May narinig kasi akong pamahiin na bawal magpagupit ang buntis dahil may koneksyon daw ito sa baby, tulad ng maagang panganganak. Nahihirapan akong magdesisyon kung susunod ako o hindi, kasi sobrang haba na ng buhok ko at nagfafalling hair na rin ako. By the way, I'm 4 months pregnant! Salamat sa mga makakasagot!

115 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Not true.. Halos every month nagpapagupit ako.. Ngaun lng natigil kc tinatamad nko lumabas 😂 31 weeks preggy..

Nagpagupit din ako nung buntis ako. Wala naman masamang nangyari sakin nung nag bubunis ako or nung nanganak ako.

nagpapagupit ako nuon preggy pa ko and nagpagupit ulit ako 2 months later after ko manganak. wala naman e.

Ako sis nong buntis dalawang beses nagpagupit ng buhok..pinaiksian ko kasi mainit..pamahiin lang po yun..

Ngpa gupit din ako momsh ang pangit kse ng dulo ng hair ko. Ngayon maganda na ang tubo at maayos na. Hihi

Ako nga nag pagupit nuo buntis ako kasi sobrang haba ng buhok ko init na init ako wala naman nangyari🤦

pwede ka naman magpagupit, hindi naman yun makakasama kay baby. ang bawal yung mga hair treatment etc

Hello po. Myth lang po yun. Nagpagupit ako ng hair 9 mos pregnant safe and healthy naman si baby ❤

Hindi po bawal yun. Pero after MO po manganak ang Di pwede magpagupit hanggang 1year.

im 5months pregnant and bago lang ako nagpagupit. sobrang mahaba na kasi at naiinitan na ako.