spotting

Hi. Sino kaya dito may kaparehas kong case kasi wala kong info. Halos 4months nakong delayed 3x nako nag pt lahat positive. Nag pa first prenatal check nadin ako sinundan ko bilang sakin sa lying in bale ngayon ay 4months and 9days na yung tyan ko pero nakakataka na walang improvement tyan ko siguro normal lang din sa 4months palang. May pinagdadaanan kasi ako kaya sobrang stressed ko nag sspotting ako ilang weeks nadin hanggang sa nagising ako kanina 5am sumakit tyan ko kinabag ako tapos sumakit nadin puson sobrang sakit biglang labas nyan sakin diko alam kung ano ba yan. Diko alam kung di ba ko buntis delayed lang ba talaga ko may pcos bako o kung ano. Sana po may makasagot sa inyo kahit anong info po it can help. Ps. Firsttime pregnancy kopo ito. Thankyou po

spotting
84 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hala dalhin mo pa yan sa hospital, padala ka po sa ER. Ganyan po ako before nung 2018. 3 mos na ko preggy, stress sa work. Nag spotting ako habang nsa office. Dumerecho ako hospital khit ako lng mag isa, then chineck agad ako ng OB. Pinabalik ako kinabukasan, pag gising ko march 27 2018 puro buong dugo lumalabas sobrang dami nya. Nag diaper nako nun tpos ppadala nko ulit sa hospital. Feeling ko naiihi ako, pag pasok ko cr. Paghubad ko underwear ko biglang my nalaglag. Grabe yung baby ko na pla yun, nka curve pa sya. Sobrang liit pero ny mga legs at arms na sya. Pero para sure, nilagay nmin sya sa malinis na plastic pra ipakita sa hospital. Dun na confirm after trans v ko, wala na pla akong baby. 😔 Tsaka nmin nilibing ung baby ko.

Magbasa pa